Welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo.
Kumusta na kayo Cooking Show fans? Pasensiya na kayo ilang Biyernes ding wala tayong Cooking Show. May mga programa kasi na kailangang bigyan ng priyoridad sa himpapawid kaya pansamantalang hindi ninyo narinig ang paborito ninyong programa.
Anyway, ngayon lutong-pinoy uli tayo at ang ating guest cook ay si Hazel Amora.
First time ni Hazel sa Cooking Show pero ilang beses na rin siyang naging panauhin sa programang Alam Ba Ninyo.
Kung natatandaan ninyo, si Hazel ay isang professional singer. Sabi niya masasarap daw ang mga niluluto niyang putahe kasi kinakantahan niya ang mga ito. Kaya, sabi niya, kung gusto ninyong sumarap ang inyong luto, kumanta kayo habang nagluluto.
Ano kaya ang lasa ng pagkain kung sintunado ang kanta?
Narito si Hazel atang kaniyang inihandang putahe--Sarsiadong Talakitok.
Sarsiadong Talakitok. Nakuuu, matagal na akong hindi nakakatikim nito. Tingnan niyo hindi pa nagsisimulang magluto si Hazel naglalaway na ako. Alam niyo, masarap magluto nito ang mommy ko. Sarsiadong Talakitok.
Okay, inihanda na ninyo ang inyong ballpen at notebook. Narito't iisa-isahin ni Hazel ang mga sangkap ng Sarsiadong Talakitok.
1/2 kilong talakitok, nalinis na at hiniwaan ng pahalang sa magkabilang tagiliran 6 na butil ng bawang, pinitpit 2 sibuyas, katamtaman, hiniwang pino 3 kamatis, inalisan ng buto, hinwang pino 1/2 paketeng tomato sauce 1 kutsaritang asukal na puti 1/2 puswelong sibuyas na mura, hiniwang pino 1 at 1/2 puswelong tubig 2 puswelong langis ng niyog (pamprito) 1/2 puswelong langis ng niyog (panggisa)
O, nakuha ba ninyo lahat iyong mga sangkap? Kumpleto ba iyong listahan ninyo? Mamaya kung may oras pa uulitin natin ito. Pero sa tingin ko hindi na kailangan, e. malinaw naman ang pagkaka-enumerate ni Hazel.
Well, anyway, naritong muli sa Hazel para sa paraan ng pagluluto.
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin.
Isama ang 1/2 paketeng tomato sauce, at timplahan ng 1 kutsaritang asukal na puti. Halu-haluin. Takpan sa loob ng 3 minuto. Isama ang naprito nang isda. Halu-haluin sa gilid. Takpan sa loob ng 5 minuto. Baligtarin ang isda. Halu-haluin sa gilid. Takpan sa loob ng 5 minuto. Budburan ng pinong sibuyas na mura. Ihaing mainit.
Iprito muna ang isda. Nang kabilaan at malasado lamang sa mainit na mantika. Hanguin at patuluin.
Sabi ni Hazel mas masarap daw ito kung kakainin ninyo kaagad pagkalutung-pagkaluto. Huwag daw ninyong hintaying lumamig.
At iyan ang walang kasing gandang si Hazel Amora sa kaniyang walang kasingsarap na Sasiadong Talakitok.
Thanks for your time Hazel. Stay put kang, ha?
May padalang liham si Mrs. Conchita Flores ng Malabon at ang kaniyang liham ay patungkol sa Cooking Show kaya bibigyang-daan ko ito dito mismo sa programang ito.
Sabi ni Mrs. Flores..
Dear Everyone,
Unang-una, ipinararating ko ang aking pangungumusta sa inyong lahat especially kay loving DJ Ramon Jr.
Lagi kong pinakikinggan ang mga programa ng Filipino Service at sa 7.180MgHz ako naka-tune. Dati sa 11.700MgHz pero ngayon nagswitch kayo sa SW-1.
Ang paborito kong pakinggan ay iyong Cooking Show ninyo. Giliw na giliw ako dito at hinahanap-hanap ko ang loving voice ng inyong loving DJ Ramon Jr.
Alam niyo napapakinabangan ko ngayon ang mga natututuhan kong luto sa inyong Cooking Show program. Laging nagpapaluto sa akin ng Chinese foods ang kapitbahay ko at tuwang-tuwa siya dahil marami daw akong alam na Chinese recipes. Sabi ko oras lang ang puhunan ko diyan. Malaki talagang inspiration at encouragement si Ramon Jr. sa mga listeners ng Filipino service kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ko sa kaniya sa mga grasyang ini-enjoy ko ngayon.
Wala akong masabi kundi salamat nang maramo at ang Cooking Show ninyo ay the best.
Loving Yous, Mrs. Conchita Flores Northbay Boulevard Malabon, M.M
Maraming-maraming salamat Mrs. Flores sa inyong liham. Natutuwa akong malaman na nagbibigay sa inyo ng economic benefit ang mga natututuhan ninyong luto dito sa aming Cooking Show. Sana magpatuloy kayo sa pagtataguyod sa programang ito at sa mga iba pang programa ng Filipino Service. Maraming salamat uli Mrs. Flores.
|