• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-25 21:57:05    
Kulang ang maghapon sa Wangfujing

CRI
Maraming commercial streets sa Beijing nguni't hindi lahat ay matatawag na all-in-one o one-stop street. Kaya kung saan maaring mamili, kumain, mamasyal, mag-relaks, manood ng mga palabas, maglibang at mag-check-in sa hotel, ang Wangfujing ang dapat ninyong puntahan.

Wala akong maisip na lugar diyan sa Pilipinas kung saan maaring maitulad ang Wangfujing. Hindi ko maikumpara sa Cubao o Glorietta dahil ang Wangfujing ay isang mahabang lansangan at ang Cubao ay isang distrito at ang Glorietta naman ay isang commercial complex. Gayunman, kung ang pag-uusapan ay ang iba't ibang establisyemento na matatagpuan sa iisang lugar, maaring inambing ang Wangfujing sa Cubao o Glorietta.

Ang Wangfujing ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Tian'An Men Square at kasingkilala rin ng Tian'An Men. Ang totoo, ang popularidad nito ay nagsimula pa sa panahon ng Ming Dynasty at itinuturing ito ng mga Tsino na numero unong shopping street sa Tsina. Ngunit para sa mga dayuhang turista, ito ay hindi lamang nag-sisilbing lansangan para sa pamimili kung isa ring kawili-wiling lugar na panturista.

Inabutan ko pa ang Wangfujing bago ito mapasailalim sa malawakang renobasyon, kaya nakita ko ang tradisyonal na Tsinong anyo nito noon na may maliwanag na pagkakaiba sa kosmopolitang ayos nito ngayon. Gayunman, hindi ako nakapunta dito sa pagitan ng mga panahong bago at pagkatapos itong gawin.

Tuluyan nang nabago ang anyo ng Wangfujing pagkaraan ng renobasyon. Doon sa mga nakabisita dito noong 1990's, tiyak na mami-miss nila ang mga gusaling nasa estilong pagoda na nagpapaalala sa mga sinaunang dinastiya ng Tsina, ang mga karatula ng mga restawran na nasusulat sa Chinese characters, ang mga karinderya sa gabi, ang mga arkong Tsino at ang mga trasidyonal na musikang Tsino na maririnig sa iba't ibang dako ng lansangan.

Para sa mga mamimiling Tsino, ang Wangfujing ay isang shopping paradise. Kasi nga naman, matatagpuan dito ang iba't ibang estabilisyemento na kinabibilangan ng mga tindahan ng libro, mga shop na kumukunpuni ng relo, mga shop na gumagawa ng salamin sa mata, mga istudyong kumukuha at nagdedebelop ng litraato, mga tindahan ng gamit sa isports at mga tindahan ng arts and crafts. May sangay din sa Wangfujing ang Mcdonald's, Star-bucks, Kentucky at Pizza Hut.

Para naman doon sa mga mahilig sa mga makabagong kasuotan, sa Wangfujing ay may laging ginaganap na fashion show; doon sa mga mahilig sa pelikula, may open-air movies; at doon sa mga mahilig sa mga aktibidad na pangkultura, may cultural performances. Ang lahat ng mga iyan ay may regular schedules.

Kasisiyahan din ng mga bisita ang mga pagkain na ipinagbibili sa mga bangketa. Makakapili sila ng iba't ibang pagkain--Chinese food, Thai food, Japanese food, Western food--at kung anu-ano pa.

Humanap ka nga naman ng lugar na katulad ng Wangfujing. Pagkaraan ng maghapon nang pag-iikot, hindi pa rin kumpleto ang pamamasyal mo, Kilangan pang mag-overnight ka sa isang malapit na hotel para ipagpatuloy ang iyong paglilibot kinabukasam.

Sabi naman ng nakapanayam naming dayuhang shopper, hindi pa raw niya nasubok na maglibot maghapon sa Wangfujing dahil kung nagpupunta daw siya dito, ang pinapasok niya ay mga tindahan ng libro. Pero sa tingin daw niya titiing kulang ang maghapon para malibot ito.

Wala na sa Wangfujing ang mga lumang gusaling magpa-paalala sa histrorikal na pinagmulan nito, ngunit ang popularidad nito na nagmula pa sa Ming Dynasty ay nananatili pa rin hanggang ngayon.

Naku ha, wala akong sinabing ganu'n.