• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-27 21:41:38    
Si Cai Lun at imbensyon ng papel

CRI

Ang pagsulat sa bamboo o wood slips ay isinasagawa mula sa itaas pababa. Upang makasulat ng may takdang haba, mangangailangan ang isa ng libu-libong slips. Ang mga nasulatang slips ay tuluyang itinatali para makabuo ng libro. Ang ibang libro ay talagang napakabigat kung kayat kinakailangang gamitin ang mga ito ng cart. Kung minsan, itinali muna ang mga walang-sulat na slips bago sulatan ang mga ito.

Maiilarawan mo kung gaano kahirap ang pagsulat sa mga piraso ng kahoy at kawayan at kung gaano kabigat ang mga natapos na libro. Ang isang libro ay tumitimbang ng daan o baka libo pang kilogram. Si Emperador Qinshihuang noong 2200 taon na ang nakararaan ay nagbabasa araw-araw ng 50 kilogramo ng opisyal na dokumento. Hindi ito kataka-taka kung aalalahanin mong nakasulat ang mga dokumentong ito sa wood o bamboo slips.

Upang mapagaan ang mga sulatan, nagsimula ang mga taong sumulat sa seda na ang gamit ay ang bagong imbento noong brotsa at tinta. Pero napakamahal ng seda para sa pang-araw-araw na gamit. Saksi ang Eastern Han Dynasty sa pagdami ng mga bagong paaralan. At kailangang kailangan ng mga istudyante at iskolar ang isang materyal na mas mura at mas madaling sulatan. Ang isang opisyal sa court na nagngangalang Cai Lun ay buong pagsisikap na nagdebelop ng isang bago at mas mahusay na sulatan. Ang ginamit niya ay balat ng kahoy, abaka, basahan at lumang pukot bilang sangkap. Una, pinaghiwa-hiwa niya ang lahat ng mga sangkap na hilaw at pagkatapos, binayo niya ang mga ito hanggang maging masa. Ang manipis na layer na ito ng masa ay tuluyang pinatuyo sa isang kapirasong pinong tela. Kapag tuyung-tuyo na ang masang ito, nakukuha na ang papel. Ang klaseng ito ng papel ay manipis at magaan, di magastos na gawin at napakatibay. Nakilala ito bilang "The Paper of Marquis Cai".

Noong taong 105 AD, inulat ni Cai Lun ang kanyang nagawa sa emperador at hindi nagtagal, pinalaganap ang paraan niya sa buong bansa. Pagkaraan ng ika-3 siglo AD, malawakang ginamit ang papel sa Tsina at ang paraan ng paggawa nito ay napalaganap sa ibang bahagi ng mundo, una, sa silangan at timog Asya, at sa bandang huli sa kanluran.

Pinagkalooban si Cai Lun ng mga titiles at honors. Ngayon nabubuhay pa siya sa puso at isip ng kanyang kababayan. Sa kanyang baying-tinubuan sa Hunan Province, may isang Memorial Hall para sa kanyang karangalan at ang kanyang libingan naman ay nalagay sa proteksyon ng estado bilang isang historical site. Napapaligiran ang nasabing bulwagan ng isang hardin. Sa pang-harap na bulwagan, may isang "stone tablet" na inukitan ng kuwento ng buhay ni Cai, kanyang merito at mga natamo. Sa pang-likod na bulwagan, may isang bayuhan na yari sa bato. Ginamit daw ito ni Cai Lun upang durugin ang pulp na ginamit niya sa paggawa ng unang piraso ng papel.