Ang pagsamba sa tigre ay nanggaling sa istilo ng pamumuhay ng pangangaso at pagpapalibot-libot ng mga ninuno natin. Sa grassland, malakas na hayop ang tigre. Magkakasalungat ang atityud dito ng mga tao. Kapwa iginagalang at kinatatakutan nila ito. Itinuturing nila itong simbolo na makakapagbigay-proteksyon sa kanilang mga inapo.
Kasabay ng pagunlad ng agrikultura, nagsimulang umasa ang mga tao sa klima at ikinabalisa nila ang pagbabago nito. Sa dahilang ang dragon ay sinasabing siyang namamahala sa panahon, hinalinhan nito ang tigre. Unti-unti, natamo ng dragon ang dominanteng puwesto sa kalangitan at ang tigre naman ay naging isa sa mga dubordinates nito, ang hari ng kabundukan.
Sapul noong Qin Dynasty noong ikatlong siglo BC, namonopolisa na ng mga emperador ang karapatan sa paggamit ng simbolo ng dragon. Ipinroklama ni Emperador Qinshihuang na siya ay anak ng dragon at sinabi niyang ang kapangyarihan niya ay kaloob ng Langit. Noong bandang huli, sumunod sa kanya ang lahat ng mga emperador sa kasaysayang Tsino. Tinawag ang silya ng emperador na dragon chair, at ang kanyang kasuotan na dragon robe. Nakikita ang mga dragon saanman sa palasyong imperyal. Ang sinumang nagtatangkang i-ugnay ang kanyang sarili sa simbolo ng dragon ay hahatulan ng kamatayan.
Ang tigre naman ay lagi nang kabilang sa mga karaniwang tao. Sa katotohanan, hindi lamang ito minamahal bilang isang totem, sinekularisa pa kasabay ng paglipas ng panahon. Minamahal ng mga tao ang kagandahan at lakas nito, kumukuha sila rito ng "spirituwal sustenance", at ginagamit nila itong tagapagtanggol at simbolo ng magandang kapalaran. Halimbawa, sa mga larawang pambagong taon, madalas nating makita ang isang larawang tinatawag na Pinangangalagaan ng Tigre ang Bahay. Inilalagay ito ng mga tao sa harapan ng pinto sa pagsisimula ng bagong taon, upang protektahan ng tigre ang lahat ng miyembro ng pamilya, nang sa gayo'y mamuhay sila nang mapayapa sa bagong taon.
Anang isang alamat, noo'y may isang peach tree sa isang bundok, at sa ilalim ng punong kahoy na ito, may nakatayong magkapatid. Tuwing may matatagpuan silang masamang ispiritu, ipinakakain nila ang mga ito sa isang tigre. Samakatuwid, natamo ng tigre ang kapangyarihan para itaboy ang masamang ispiritu. Ayon sa mga mananaliksik, sinisimbolo din ng tigre ang pagpapakasal at panganganak. Gayunman, magkakaiba ang kaugalian sa iba't ibang lugar.
|