• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-01 22:14:41    
Mga foreign style restaurant sa Beijing--Nam Nam Vietnamese Restaurant

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, unti-unting sumusulong ang Beijing tungo sa pagiging isang malaking "international metropolis". Sa aspekto ng pagkain at inumin, maliban sa mga tradisyonal na lutuing Beijing na gaya ng "Peking duck", "instant-boiled mutton" at iba pa, di-mahirap na makita ang mga restawran na nagluluto ng mga foreign style food na mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Ngayon, bibisita kami sa dalawang reatawran sa Beijing na nagluluto ng Vietnamese foods.

Kung pag-uusapan ang mga lugar na madalas na pinupuntahan ng mga dayuhan sa Beijing, mas malamang na mabanggit ang "Sanlitun", isang lansangan sa silangan ng Beijing kung saan nagkakatipun-tipon ang mga bar at restawran na nagsisilbi ng mga pagkaing kanluranin. Samantala, malakas din ang bentahan dito ng iba't ibang kasuotan.

Sa kahabaan ng kalyeng ito, may isang restawran na nagluluto ng Vietnamese food at ang pangalan nito ay "Name name" sa wikang Tsino, at sa Ingles naman ay "Nam Nam".

Kung titingnan sa labas parang maliit ito, pero pagpasok mo sa loob, makikita mong maliwanag ang bulwagan, may isang old style na ceiling fan, mga bintanang pahaba na yari sa kahoy, makulay at matingkad na dekorasyon sa pader, red cabinet of wines, mga upuang yari sa palasan at yantok. Ang mga ito ay nagbibigay ng katulad na damdamin nararamdaman sa mga bansa ng Timog Silangang Asya, at pansamantalang malilimutan mo ang kasalukuyang malamig na Beijing sa labas.

Sabi na ang mga dekorasyon ng restawran ay ipinadala ng may-ari nito mula sa Vietnam. Nagkakaroon ng ganitong damdamin ang mga parokyanong kumakain dito: sa oras na pumasok ka sa loob, kasiyang-siyang damdamin ang walang humpay na madarama mo mula sa apat na sulok ng kuwarto, katulad ng pangalan ng restawran.

Nang mabanggit ang pangalan ng restawrang ito, talagang di-pangkaraniwan. Ipinaliwanag ni Ginoong Li Yi, isang tauhan sa restawran na,

"'Nam' ang huling 3 letters ng pangalan ng Vietnam sa Ingles, ang pagbigkas ng 'Nam Nam' ay katulad ng natural na tunog na namumutawi sa bibig ng mga tao pagkatapos na kumain ng isang kasiyang-siyang pagkain."

Ang mga kusinero ng restawran ay galing sa iba't ibang purok ng Vietnam, kaya, kasisiyahan ng mga suki ng restawran ang iba't ibang uri ng pagkain, mula sa iba't ibang lugar ng Vietnam. Hindi gaanong matapang ang lasa ng mga lutuing Vietnames. Bukod sa mga tradisyonal na paraan ng pagluluto sa Vietnam, pinapapasok din ng mga kusinero ang teknolohiya ng pagluluto mula sa Tsina,Thailand, Malaysia at Pransiya.

Nagsisilbi ang "Nam Nam" ng maraming may katangiang pagkain. Ang "Shrimp pasted fish" ay isa sa mga ito. Pinaghahalo ang sariwang isda, pambalut sa estilong Biyetnames at bagoong. Habang niluuto, maaaring hindi ninyo magustuhan ang amoy, pero, walang kasingsarap kung kakain at hindi rin mamantika.

Si Madame Bich Thuan Ngo, isang Biyetnames na nagtatrabaho sa Beijing ay madalas kumain sa "Nam Nam". Sinabi niyang,

"Talagang tunay ang 'beef and rice sheets in Vietnam style', dahil ang mga pampalasa ay nagmumula pa sa Vietnam at wala dito sa Beijing. Gustong ilagay ng mga Vietnam ang fresh lemon juice sa 'rice sheets', pero, kailangan ang mga hilaw pang lemon at hindi rin ito makikita sa Beijing."