Ngayong gabi meron tayong long-distance call, text messages at sulat mula sa mga tagapakinig.
Alam ninyo marami kaming tinanggap na long-distance calls these days. Mukhang nauuso ata ngayon ang ponpalan ah, ha?
Ang isa sa mga tawag ay galing kay Minda Gertos, isang officer ng DX Club, Manila.
Siguro dahil sa malapit na ang All Saints' Day, ang simula ng aming pag-uusap ay tungkol sa ginagawa nilang paghahanda para sa mga Araw ng mga Banal at Kaluluwa at sa madalas nilang gawin pagsapit ng naturang mga araw...
Kung hindi ako nagkakamali, natanggap naming ang unang sulat ni Minda noong 1993. Ganoon na siya katagal na nakikinig sa Filipino Service. Ang unang tawag naman niya sa telepono ay natanggap ko noong isang taon. Sinusundan niya lahat ang special programs ng Filipino Service at sinasalihan lahat ang contests ng CRI. Isa siya sa mga tagapakinig na may malaking koleksyon ng souvenir items mula sa CRI. Siya rin ang unang nagpadala ng sagot sa aming Paligsahan Pangkaalaman: Sulyap sa Kultura ng Kanlurang Tsina. Bilang officer ng International DX Club, Manila, malaki ang naitulong ni Minda sa pagpapalaganap ng Filipino Service hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Hong Kong, Singapore at iba pang bansa.
Alam na alam ni Minda kung ano ang nangyayari sa Tsina. Up-to-date na up-to-date siya. Alam daw niya na naiiwanan ang kanlurang bahagi ng bansa ng pag-unlad ng silangang bahagi, kaya napapanahon daw ang aming knowledge contest. Ito raw ay magandang paraan para magising ang kamalayan ng mga tagapakinig sa kalagayan ng kanlurang Tsina at magkaisip ang mga mamumuhunan na maglagak dito ng pondo.
Bilang winner sa aming nakaraang paligsahan, inaanyayahan daw niya ang lahat na sumali sa aming ongoing contest.
At iyan ang ating long-distance voice mula sa Pilipinas.
At ngayon bigyang-daan naman natin ang liham na padala ni Mary Anne Chua ng Baclaran, Metro Manila.
Sabi ng kanyang liham...
Dear Seksyong Filipino Family,
Kumusta ang paborito kong language service? Siguradong busy na busy kayo sa inyong mga balita at mga programa lalo na ngayong maraming happenings sa mundo. Marami kayong mapu-pulot na balita.
Lagi-lagi ang pakikinig ko sa inyong Tagalog version ng China Culture. Maliwanag ang pagwiwika ni Ramon Jr. kaya naiintindihan ko rin nang buo ang bawat kataga niya. Kahit paunti-unti ay nagkakaroon ako ng kaalaman tungkol sa inyong mayamang kultura. Ang pag-upo ko sa tabi ng radyo sa loob lamang ng 30 minutes ay para na ring tatlong oras na pakikinig sa isang lecturer ng history class. Salamat na lang nagkaroon kayo ng sarili ninyong version ng China Culture. Dati sa English Service ko ito pinakikinggan.
Alam niyo sa ating pagsusulatan puwede rin tayong magpalitan ng mga cultural information kung inyong gugustuhin. Meron din kasi akong compilation ng materials tungkol sa history at culture naming.
Naka-enclose dito ang entry ko sa inyong Paligsahang pangkaalaman. Alam ko na marami sa mga sagot ko ay tama. Kung may made-detect akong mali magpapadala uli ako ng ibang entry. Okay lang naman sa inyo, di ba?
Maganda ang layunin ninyo sa palulunsad ng ganitong knowledge contest. Gusto ninyong tumulong sa pagpapaunlad ng isang parte ng bansa na hindi gaanong umuunlad. Siyempre kung may parte ng bansa na hindi maunlad magkakaroon din ng problema ang parte na mauunlad. Dapat balanse ang progress.
Gusto ko sanang humingi ng additional information hinggil sa bamboo dress na nai-feature ninyo once sa inyong program. Mas maganda sana merong mga pictures ng models na nakasuot ng mga damit na gawa sa bamboo fabrics.
Thank you sa mga padala ninyong souvenir items at maga mga kopya ng Beijing review. I really appreciate them.
Stay as sweet as you are. Bye!
Mary Anne Chua Paranaque, Baclaran Metro Manila
Thank you so much Mary Anne. Next week matatanggap mo iyong request mong catalogue ng bamboo dress. Please keep on writing.
|