• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-04 21:31:33    
Magsasakang Tsino, yumayaman pang yumayaman

CRI
Itinakda ng Pamahalaan ng Tsina ang target ng pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas at upang maisakatuparan ang target na ito, dapat lutasin unang-una na ang isyu ng pag-unlad ng kanayunan, dahil ang Tsina ngayon'y nananatili pang isang bansang agrikultural na ang nakakararaming populasyon ay nasa kanayunan. Papaanong mapapasulong ng Tsina ang pag-unlad ng kanayunan? Taglay sa isip ang katanungang ito, dumalaw kamakailan an gaming reporter sa lalawigang Anhui, isang pangunahing lalawigang agrikultural ng bansa.

Nakabisita kamakailan ang aming reporter sa pamilya ng isang mamang nagngangalang na isang tipikal na pamilya ng mga karaniwang magsasaka sa Nayon ng Lizhuang sa bayan ng Lai'an sa lalawigang Anhui sa gitnang Tsina.

Ang mag-asawang Li Xinliang ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay nagtatrabaho sa lunsod at ang bundo naman ay kasama nilang mag-asawa na nagtatanim sa halos 0.25 hektayang oukirin sa kanilang nayon. Ipinakita ni mang Li sa aming reporter ang kaniyang vegetable plastic shield. Sa loob ng shield na ito, nakita ng reporter ang iba't ibang uri ng pananim na gaya ng kamatis at Barbados alone. Ayon kay mang Li ang plastic shield na ito raw ay itinayo noong isang taon at salamat sa shield na ito, ang lupang ito ay magagamit sa apat na panahon ng taon, at sa gayo'y hingit na malaki ang benepisyo.

Sa labas ng shield na ito, nakita ng reporter ang isang kakahuyan. Nagbigay ng paliwanag sa aming reporter ni Mang Li habang itinutoro ang mga punong kahoy. Sinabi niyang ang mga kahoy na ito ay isang espesyal na uri ng poplar. Nang mabanggit ang poplar na ito, buong pagmamalaking sinabi niya na:

"Malaki ang benipisyong dulot ng pagtatanim ng punong kahoy na ito. Ang kitang dulot ng per yunit ng punong kahoy na ito ay sampung unit ng kita mula sa pagtatanim ng trigo per yunit. Ang halaga ng isang kilo ng pagkaing butyl ay apatnapung sentimos lamang samantalang ang dalawang punong kahoy ay nagkakahalaga ng sampung Yuan, ang isang daan ay nagkakahalaga ng 400 hanggang 500 Yuan. Noong isang taon, nagtanim ako ng mahigit 0.12 ektarya poplar na ito at kumita ako ng mahigit 15000 Yuan."

Ang isang pang bumabibig ni Mang Li ay ang pagsasagawa ng Pamahalaan ng Tsina sa taong 2002 ng reporma sa buwis sa lalawigang Anhui. Isinalaysay niya sa akon na nooong ika-9 dekada ng nakaraang siglo, medyo mabigat ang pasanin ng mga magsasaka sa buwis at iba pang bayarin at idagdag pa rito ang kawalang-kaalaman sa pagsasaka sa siyentipikong paraan. Pagkaraan ng isang taong pagsisikap, hindi lamang hindi kumita sa pagsasaka, kundi kailangan pang humiram ng pera para sa pamumuhay. Pagkaraan ng reporma sa pagbubuwis, nabawasan nang malaki ang buwis. Sinabi niyang:

Pagkaraan ng reporma sa pagbubuwis, 200 Yuan na lamang ang binabayaran ko para sa lahat ng bukirin ko. Sa gayo'y nakikinabang na kaming mga magsasaka sa pagbubukid at nakapagtanim pa kami ng mga pananim na pangkabuhayan sa tiwangwang lupa. Nasisiyahan kami at nag-10 ulit ang kita naming ngayon kay sa dati."

Ang mga magsasaka ngayon ay nagbabayad lamang ng sangkatlo ng dati nilang dapat bayaran sa buwis at iba pang fee, sa gayo'y nagbibigyang-sigla ang mga magsasaka sa pagsasaka.

Nang mabanggit ang plano nila sa pag-unlad sa hinaharap, sinabi ni Mang Li na pagkaraan ng isang taong pagsisikap, napabuti nang malaki ang pamumuhay nila. Nakatira ang kaniyang pamilya sa isang dalawang palapag na gusali na may iba't ibang uri ng electric appliances. Sinabi niyang may balak siyang mag-invest nang mas malaki sa produksyon. Sinabi niyang dahil sa mabilis na pag-unlad ng kaniyang produksyon, nahihirapan siya ngayon dahil sa kakulangan sa trabaho. Sana magbalik na lanag ang kaniyang panganay na nasa lunsod kung wala rin lang siyang sariling negosyo. Dahil sa palagay niya'y magiging mas maganda ang prospek sa kanayunan kaysa sa lunsod.

Ang salita ni Mang Li ay nakakaantig sa aming reporter: noo'y ang panaginip ng mga magsasaka ay pagpunta sa lunsod. At sa kasalukuyan kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan ng kanayunan, ang ideya ng mga magsasaka ay nagbabago ang pagbabago ng pamumuhay ni Mang Li ay nagpapakitang papalapit na sa mga magsasaka ang maaliwalas na kinabukasan ng pagkakaroon ng may kagihawahang pamumuhay sa kanayunan ng Tsina.