• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-04 21:31:59    
Minda Gertos: talagang nagka-appeal sa akin ang iyong memorable experiences sa China ng mga foreigher na nanditan

CRI
Dear Filipino Service,

Hi, Kumusta?

Sumulat ako kasi sinusundan ko ang inyong contest hinggil sa kanlurang Tsina. Pero ang problema madalas ngayon na nagluluko ang inyong signal. Kung minsan hindi maliwanag ang dating, kung minsan wala na ata halos. Sana magawan ninyo ng paraan. Sayang naman ang inyong contest napakagandang introduction and promotion ito para sa western China.

Katulad din ng mga nakaraang contest ninyo, ang contest ninyo this year ay informative din. Sa totoo lang marami akong napulot na impormasyon tungkol sa Tsina sa pagsubaybay ko lang sa inyong mga pakontes. Mula pa noong 1995 sumasali na ako. Nakatanggap na rin ako ng mga certificate at consolation prizes. Paki-check ang inyong signal please. Pareho, 11.700 MgHz at 12.110 MgHz.

Sa palagay ko hindi lang ako ang makapagsasabi na heavy ang appeal sa mga listener ng inyong programa kung Biyernes. Iba-iba ang subject. May seryoso at hidi gaanong seryoso. May nakakatawa at kung minsan pa nga ay corny. Mayroon ding nakakalungkot pero hindi pa naman nakakaiyak. Ang talagang nagka-appeal sa akin ay iyong memorable experiences sa China ng mga foreigher na nanditan.

Paki-check ang inyong signal para ma-appreciate naming nang husto ang inyong paligsahang Pangkaalaman.

Regards to all.

Love,
Minda Gertos
Sta, Anam Mla