Ngayong gabi mayroon tayong tawag sa telepono mula kay Antonina Ramirez ng Malabon, Metro Manila...
Si Antonina ay bagu-bago pa lamang na nakikinig sa China Radio International at ang China Radio ang unang himpilan sa short-wave na pinakinggan niya. Hindi pa siya nakakasubok sa ibang himpilan.
Nalaman daw niya ang hinggil sa Filipino Service ng CRI mula sa kanyang estudyante. Si Antonina, by the way, ay isang public school teacher.
Sa pag-uusap namin sa telepono, ikinuwento ni Nina na isang araw daw, nakita niya ang isang estudyente niya na may dalang brown envelope na may letterhead na China Radio International. Tinanong daw niya ang estudyante kung bakit meron nito at ang sagot ay siya ay tagapakinig ng CRI at buwan-buwan, tumatanggap siya ng correspondence mula rito. Doon daw nagsimula ang kanyang pakikinig.
Pagkaraan ng ilang buwang pakikinig, tumawag si Nina sa akin para bumati at magbigay ng impresyon...
"Malaki ang nagagawa ng inyong Filipino Service sa pagpapalapit ng mga Pilipino at mga Chinese. Imagine, magkaiba ang government systems ng dalawang bansa pero nagiging malapit sila sa isa't isa. Ang China ngayon ang isa sa mga leading trade partners ng Philippines at ang inyong service ay may role dito sa bagay na ito."
Inabutan pala ni Nina ang aming "Guessing Game". Kung natatandaan ninyo, nagpatalastas ako ng "Guessing Game" sa nakaraang programa na ginawa sa Gloria Plaza Hotel dito sa Beijing. Type na type daw niya ang gayong mga programa at tuwang-tuwa siya sa "Guessing Game" na inilunsad ko noong gabing iyon...
"Nakakatuwa ang inyong Guessing Games. Halos ibinibigay niyo na ang sagot hindi pa rin nakukuha ng mga letter-sender. Anyway, iyon naman ay for fun lang. ito ay isa ring patunay na effective ang inyong mga gimmick at successful ang inyong inter-active program sa pagkuha ng positive feedbacks mula sa listeners. By the way, ang sagot ko dito ay Music Horizon."
Alam niyo, sa aming mga Friday Special ngayon, pinipilit naming itaguyod ang turismo ng Asya. Ginagawa namin ito sa abot ng aming makakaya para naman makatulong kami sa pagpapabangon ng turismo ng Asya. Alam niyo naman siguro na malaki ang naging impact ng paglitaw ng SARS sa kaguhayan ng Asya. Si Antonina ay isa sa mga tagapakinig na nagbibigay ng pagpapahalaga sa aming pagsisikap dito...
"Ang Friday program ninyong Alam Ba Ninyo ay magandang promotional para sa tourism. I heard na ipino-promote ngayon ng Asian countries ang tourism kasi malaki ang naging effect dito ng SARS outbreak. Sana dagdagan pa ninyo ang pagko-cover ng mga tourist spot sa Beijing na tulad noong minsan tungkol sa Wangfujing. Maraming interesado sa ganitong klase ng programming. Magandang magdala si Ramon Jr."
At iyan ang long-distance voice ni Antonina Ramirez ng Malabon, Metro Manila.
|