Sa Beijing, di-marami ang mga restawran na nagsisilbi ng lutuing Biyetnames, kaya, mas pambihira ang restawran na nagsisilbi ng mga pagkaing Biyetnames at Thai. Pero, mayroon isa doon sa lugar na malapit sa Jianguo Hotel sa Chang'an Street ng Beijing na tinatawag na "Taihe Palace".
Ang mga taong kumain sa Taihe ay mga taga-Vietnam at taga-Thailand na naninirahan nang mahabang panahon sa Beijing. Ang boss ng Taihe Palace ay isang etnikong Tsino sa Vietnam na siyang mahusay sa pagluluto ng pagkaing Biyetnames. Isinisilbi dito ang mga kilalang-kilalang pagkain na gaya ng Spring Rolls in Vietnam style, shrimp rolls, beef and rice sheets at iba pa.
Si Ginoong Do Nam Trung, isang staff ng embahada ng Vietnam sa Tsina, ay madalas na pumunta dito para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang panlasa. Sinabi niyang,
"Ang steam spring rolls in Vietnam style ang pinakanagugustuhan ko, at masarap din ang rice sheets dito. Talagang orihinal ang lasa ng mga pagkain dito."
May isa pang pagkain dito na gustung-gusto rin ni Do Nam Trung, iyong tinatawag na "Chicken Meat and Vegetables Salad" na nagiging popular sa Vietnam. Ang paraan ng pagluluto ay hinihimay nang pahaba ang mga nilagang manok, at pagkatapos hinahaluan ng mani, menta, pipino, bean sprouts at suka. Sabi niya, ang mga Biyetnames ay mahihilig sa mga pagkaing hindi matapang ang lasa. Kahit aniya, ang meat delicacies hindi rin gaanong mamantika.
Maraming Tsino, lalo na ang mga babae, ang pinapasok sa restawrang ito dahil nga hindi gaanong matapang ang lasa ng mga pagkain. Sinabi ni Miss Tang LingLing, na madalas kumain sa Taihe Palace na,
"Sa palagay ko, ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Chinese food at Vietnam food ay nasa lasa. Mas magaan ang lasa ng huli at hindi mamantika. Madalas na gumagamit ng toyo na katulad ng soy sauce ng Tsina, pero ito ay mula sa isda, sariwa at masarap ito, at hindi kailangang mangamba sa isyu ng pagtaba."
Dalawang restawran ng Veitnam food na ang inilahad namin sa inyo. Kung gusto ninyo maglakbay sa Beijing at kumain ng mga Vietnam food, bakit hindi ninyo subukin.
|