• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-15 17:42:42    
Mayo ika-7 hanggang ika-13

CRI
Sa kanyang pakikipagtagpo noong Martes sa Beijing kay Generoso S. Senga, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng Tropa ng Pilipinas, ipinahayag ni Cao Gangchuan, Ministro ng Tanggulang bansa ng Tsina na hinahangaan ng panig Tsino ang pananangan ng Pamahalaang Pilipino sa patakarang isang Tsina. Sinabi ni Cao na nitong 31 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, komprehensibo at malalim na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga hukbo. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pilipino para mapalakas ang kanilang realistikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Lubos na pinapurihan din ni Senga ang relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga hukbo, at ipinahayag din niya ang kahandaang magsikap kasama ng panig Tsino para mapangalagaan ang katatagan ng rehiyon at mapasulong ang komong pag-unlad.

       

Sa magkahiwalay na okasyon sa Beijing, kinatagpo noong Biyernes nina premyer Wen Jiaobao at pangalawang pangulong Zeng Qinghong ng Tsina si Lee Kuan Yew, Minister Mentor ng Singapore. Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Wen, ipinahayag ni Lee na sa kanyang mga beses na pagdalaw sa Tsina, nakikita niyang mismo ang pag-unlad at pagbabago ng iba't ibang lugar ng Tsina at nananalig siyang bubuti ang pag-unlad ng Tsina sa hinaharap. Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Lee kay Zeng na nitong 16 na taong nakaraan supal nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Walang tigil na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng 2 panig, masiglang masigla ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang antas at larangan. Positibong pinahahalagahan din ni Lee ang relasyon ng Singapore at Tsina, inulit niyang susunod ang pamahalaan ng Singapore sa patakarang isang Tsina at tinututulan nito ang pagsasarili ng Taiwan.

Kinatagpo dito sa Beijing noong Huwebes ni Zhou Yongkang, kasangguni ng konseho ng estado at ministro ng public security ng Tsina si Nguyen Khanh Toan, pangalawang ministro ng pubilic security ng Biyetnam. Ipinahayag nilang lalo pang palalakasin ang kooperasyon ng mga pubilic security department ng 2 bansa. Sinabi ni Zhou na nitong ilang taong nakalipas, lalo pang lumalakas ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng mga pubilic security department ng Tsina at Biyetnam. Umaasa siyang patuloy na mapapalalim ang kooperasyo ng 2 panig sa pagsasanay ng personel, kagamitang pansiyensiya ng pulisya, pagbibigay-dagok sa krimen at iba pang larangan para mapasulong ang komprehensibong pagsasagawa ng kooperasyon ng mga pubilic security department ng 2 bansa. Umaasa si Nguyen na lalo pang mapapasulong ang pagpapalitan at kooperasyon ng mga pubilic security department ng 2 bansa para magkasamang mabigyang-dagok ang mga gawaing kriminal na may kinalaman sa 2 bansa.

Sa isang porum na idinaos noong Lunes sa Jakarta, Indonesya, bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership, ipinahayag ni propesor Lu Jianren ng Akademiyang Panlipunan ng Tsina na dapat puspusang pasiglahin at pasulungin ang pagpapalitan ng mga kabataan ng dalawang panig para mabuksan ang mas maraming tsanel at mapalawak ang larangan ng pagpapalitan. Anya pa, bukod sa pagtatatag ng mekanismo sa antas ng mga pamahalaan ng dalawang panig, dapat lubos ding patingkarin ang papel ng mga puwersang di-pampamahalaan.

Sapul nang magsagawa ang Tsina ng taripang preperensyal sa mahigit 7000 paninda mula sa mga bansang ASEAN noong Hulyo ng nagdaang taon, mabilis na lumalaki ang pag-aangkat ng mga panindang ito ng iba't ibang lugar sa Pan-Zhujiang River Delta Region sa timog ng Tsina. Ayon sa pinakahuling estadistika, noong unang kuwarter ng taong ito, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ay lumampas sa 220 milyong Dolyares at ang gulay at prutas ay ang mga pangunahing panindang inangkat. Napag-alamang sa 9 na lalawigan at rehiyong awtonomo sa naturang rehiyon, ang Lalawigan ng Guangdong at Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ay mga pangunahing nag-aangkat ng mga panindang may taripang preperensyal mula sa mga bansang ASEAN.

       

Noong araw ng Linggo, dumaluhong ang "Chanchu", kauna-unahang bagyo sa taong ito, sa sentro ng Pilipinas na ikinamatay 37 tao.