Ngayong, tutuklasin natin kung ano ang mayroon sa Taihu Lake, Three Hillocks, Liyuan Garde at Huishan Hill, mga ipinagmamalaking lugar ng Lunsod ng Wuxi.
Ang Wuxi ay isang katamtamang-laking lunsod na matatagpuan sa tabi ng Taihu Lake sa timog-silangan ng Lalawigan ng Jiangsu. Ang Najing-Shanghai Railway at Beijing-Hangzhou Grand Canal ay dumaraan sa lunsod. Ang mga industriya nito ay kinabibilangan ng tela, mga metro, metallurgy, paggawa ng makinarya, paggawa ng makinarya, at magaang na industriya. Ang Wuxi ang itinuturing na bayan ng kahanga-hangang likas na kagandahan.
Matatagpuan sa pagitan ng mga lalawigan ng Jiangsu at Zhejiang ang isa sa apat na pangunahing lawa ng tubig-tabang o fresh-water lake ng Tsina. Ito ay may lawak na 2420 kilometro kuwadrado at sa kabuuang lawak nito ay may humigit-kumulang 40 isla na may magagandamg burol na natatadtaran ng mga pabilyon, terrareces at mga palasyo. Ang Turtle Head Islet na sumasakop sa lugar ng lawa na nasa timog-kanluran ng Wuxi ay napaiiligiran ng tubig sa 3 tabi at ang hugis ay parang sa isang higanteng pagong. Ito ay isa nang parke sapul pa noong 1918.
Ang isang scenic spot na hindi dapat malampasan ay ang Three Hillocks. Ito ay binubuo ng maliliit na isla na maaring marating sa pamamagitan ng bangka mula sa Turtle Head Islet. May kabuuang lawak na 11 ektarya at may taas na 50 metro mula sa tubig, ang mga munting isalang ito ay pinaghuhugpong sa isa't isa ng mga lansangang-bayan at tulay.
May isa namang hardin sa timog-kanluran ng Wuxi, sa may pampang ng Lihu Lake. Ito ay ang Liyuan Garden. Ang harding ito ay sumasakop sa 5.4 na ektarya na ang halos kalahati ay tubig. Sinasabi na noon daw ika-5 siglo B.C., si Fan Li na isang mataas na opisyal ng Estado ng Yue ay nagretiro matapos na tulugnan ang kaniyang master na si Haring Gou Jian na talunin ang Estado ng Wu. Siya ay namangka sa Wuli Lake kasama si Xi Shi, isang kilalang kagandahan, at pinalitan niya ng Lihu ang pangalan ng lawa, ayon sa sarili niyang pangalan. Sa mga pabilyon, koridor at causeways nito na nakaayos sa panig ng lawa, magandang maganda ang pagkakadisenyo ng Liyuan Garden at masarap ang dating sa mata ng kulay nito. Kung igagala mo ang iyong mga mata mula sa ibaba ng mga gawa-ng-taong burol sa hardin pataas, mapapansin mong ang mga ito ay tumataas nang paliku-liko, parang spiral.
Sa kanlurang kanugnog na purok ng Wuxi ay may burol na tinatawag ng Huishan Hill na kilala rin sa pangalang Nine Dragons sa dahilang ang ituktok nito ay parang mga nagsasayaw na dragon. Ayon sa isang fairy tale, ang siyam na anak daw ng Dragon King ay naging siyam na taluktok ng Huishan. Maraming kilalang bukal sa burol na ito na kinabibilangan ng "Second Spring Under Heaven" at "Dragon's Eye Spring". Ang mga kawili-wiling lugar sa silangang paanan ng burol ay ang "Pleasure Garden", "Chunshen Gully", "Huishan Temple" at "Gold Lotus Bridge". Noong 1958, ang burol ay ini-uugnay sa Tin Hill ng isang gawa-ng-taong lawa para maging Xihui Park.
Sa magagandang hotel na matutuluyan, maaaring pagsasadyain ang Hubin Hotel sa Liyuan Road, Taihu Hotel na nasa kahabaan ng Huanhu at Shuixiu Hotel na nasa Liyuan Road din.
Pagdating naman sa mga shopping centers nangunguna sa Wuxi ang Wuxi Friendship Store na matatagpuan sa No. 8 South Zhongshan Road, Wuxi Arts and Crafts Service Department sa 192 Renmin Road, at Wuxi Antiques Store sa 466 Zhongshan Road.
|