• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-15 17:46:42    
Tsina: an ideal place to work

CRI
Ang naririnig ninyong tinig ay hindi kay Astrude Gilberto kundi kay Rowena Lontoc, isang Pilipina. Tiyak na marami sa inyo ang nakakakilala kay Rowena dahil sa siya ay dating Vicor recording artist.

Nagkita kami ni Rowena noong minsang dumalo ako sa isang pagtitipon na ginanap sa Oriental Plaza sa silangang bahagi ng Beijing.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at kinapanayam ko siya...

Tinanong ko si Rowena kung meron siyang experience dito sa Tsina na hindi niya makakalimutan. Wika nga memorable. Kasi iyan ang unang itinatanong ko sa isang kababayan na nakakatagpo ko dito sa Tsina for thr first time...

Sabi niya, ang Tsina raw ang bagay na bagay doon sa peace-loving people dahil ang Tsina raw ay tsampiyon pagdating sa katahimikan at kapanatagan. Kung meron ka raw nerbiyos, ditto sa Tsina tiyak na mawawala. Ito raw ang dahilan kaya maraming dayuhang negosyante ang nagpupunta rito para magnegosyo. Ang mga negosyante raw ay naghahanap din ng tahimik na kapaligiran para sa kanilang pangangalakal at ng panatag na kapaligiran para sa kanilang mga pamilya...

Si Rowena ay talagang professional. Bago siya nagpunta dito sa Tsina, bukod sa pagiging Vicor recording artist, siya ay kumakanta rin sa Hotel Nikko diyan sa Pinas. Dito naman sa Tsina, siya ay nagsimula sa Dynasty Hotel sa Qingdao. Sabi niya kung ihahambing sa Beijing, medyo malungkot sa Qingdao pero hospitable ang mga tao. Dito sa Beijing, siya ay naging vocalist ng Novice Band at minsan tumutog din sa Chiller's III at Rock "N" Roll Disco kasam ang isang banda.

Tinanong ko siya kung ano ang masasabi niya sa takbo ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina...

Bilang karagdagan, sinab ni Rowena na karamihan daw sa mga hotel guest sa Radisson Hotel ay mga prospective investor. Lahat daw sila at iisa lang ang sinasabi: China deserves our investment and pur investment deserves China. Kaya malakas ang pananalig niya na hindi magtatagal ang Tsina ay magiging makapangyarihan at ma-impluwensiyang bansa sa larangan ng kabuhayan at kalakalan.

At iyan ang kabuuan ng China impression ni Rowena Lontoc, professional singer at Pilipina.

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino--Best Letter of The Month.

Ang liham na tatanggap ng gantimpala ay padala ni Lic Lic Alforque ng Cebu City, Philippines.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Everybody,

My Christian greetings!

I hope you will receive the grace that you need to bear the pain of SARS. Wala akong magagawang iba para sa inyon liban sa ipagdasal kayong lahat. Malapit kayong lahat sa akin, maging ang China. Sa loob ng ilang taong pagtatalastasan natin sa sulat na-stablish natin ang ating friendship. Ina-appreciate ko ang inyong thoughtfulness, sa totoo lang. Marami na akong natanggap na regalo sa inyo bukod sa napanalunan kong radio set noong isang taon. Tuluy-tuloy ang subscription ko ng mga magazine at palagi ninyo akong pinadadalhan ng bookmarks at paper-cuts.

Sana magkaroon uli kayo ng programa na may similarity sa Bamboo Challenge at doon sa Mooncake Comedy. Very informative at entertaining as well. I also find your Dear Seksiyong Filipino just as entertaining. Kung anu-anong balita ang maririnig mo sa mga kababayan sa lahat ng sulok ng Pilipinas at mundo. Nakakalibang ang paraan ng pagbabasa ninyo ng mga sulat. Ganoon din ang impression ko sa mga telephone interviews ninyo sa mga kababayang nakikinig. Nagkakaroon ka ng idea kung ano na ang kanilang kalagayan sa mga bansang kinalalagyan nila.

Ma-maintain sana ninyo ang malakas na signal. Nakakainis kasi kung minsa kuang nag-o-overlap ang dalawang stations. Ang tina-track kong frequency ay iyong 11.700MgHz, tuwing 7:30 P.M. Kung minsan, ang broadcast ninyo sa frequency na ito ay nagkakaroon ng problema sa amin. Iyon nga iyong sinasabi kong overlapping. Minsan hindi lang dalawang stations. Tatlo pa.

Kumusta na nga pala si Ramon Jr.? Sana malayo siya sa threat ng SARS. Iyong listener ninyo na nasa barko bakit parang hindi sumusulat? Interesting din kasi ang mga sulat niya.

Okay, hindi ko na dadagdagan ang laman nitong sulat ko baka sumobra sa requirement ninyo.

Sana hindi maputol ang communication natin sa radyo at sa post office.

God Bless You,
Lic Lic Alforque
45 M. Borces St.
Mabolo, Cebu City
Philippines

Congratulations Lic Lic. Ang sulat mo ang napiling best letter para sa buwan ng Mayo, at bilang gantimpala tatanggap ka ng Emerson Walkman buhat sa tagapagtaguyod ng programang ito. Congratulations uli at salamat sa walang sawa mong pakikinig at pagsulat sa amin. Salamat din sa inyong lahat.