• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-16 17:41:55    
Almond junket

CRI

Mga sangkap

150 gramo ng giniling na almond
100 gramo ng gulaman
300 gramo ng gatas
25 gramo ng katas ng dalandan
100 gramo ng asukal

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang gulaman. Ilagay sa palayok at buhusan ng 100 gramo ng tubig. Initin ang gulaman at tubig sa katamtamang apoy hanggang sa ganap na matunaw ang gulaman. Lagyan ng gatas, giniling na almond at 50 gramo ng asukal at haluing mabuti habang iniinit. Alisin sa sandaling magsimulang kumulo ang tubig. Isalin sa plato at palamigin nang kaunti bago ilagay sa refridyeretor.

Magbuhos ng 500 gramo ng tubig sa palayok bago isunod ang natitira pang asukal at pakuluin para gumawa ng sirup. Alisin at ilagay sa refridyeretor para lumamig.

Ilabas ang eladong almond mula sa refridyeretor at hiwa-hiwain. Maglagay sa mangkok at buhusan ng malamig na sirup. Lagyan sa ibabaw ng ilang talulot ng dalandan at isilbi.

Katangian: may malakas at sariwang lasa ng almond.

Lasa: napakasarap at matamis.