• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-18 20:40:31    
Eren Hot, umuunlad na bukas na lunsod sa purok-hanggahan ng Tsina

CRI
Eren Hot ay isang mabilis na umuunlad na lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina. Ito ang tanging railway port ng Tsina sa Republika ng Mongolia at kilalang kilala ito sa kalakalang panghanggahan.

Noong mga 40 taong nagdaan, ang pook ng Eren Hot ay isang gobi desert lamang at walang pirmihang naninirahan. Noong taong 1992, ito ay naging isa sa mga unang binuksang lunsod sa purok-hanggahan ng Tsina. Pagkatapos nito, ang mga negosyante mula sa Mongolia at Rusya ay pawang nagtipun-tipon doon at kasunod ng pasigla nang pasiglang kalakalang panghanggahan, umuunlad din ang Lunsod ng Eren Hot. Maaaring sabihin, ito ang kalakalang panghanggahan na nagbigay sa Eren Hot ng pagkakataon at bitalidad na walang katulad sa nakaraan. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Heping, alkalde ng Lunsod ng Eren Hot, na,

"Bilang isa sa mga lunsod ng Tsina na bukas sa labas, iniharap namin na samantalahin ang pagkakataon ng pagbubukas sa labas at gawing sentro ang kalakalang panghanggahan para mapaunlad ang aming lunsod. Kasabay nito, binigyang-diin namin na dapat gawing buong husay din ang konstruksyon ng impraestruktura at kapaligirang ekolohikal ng lunsod."

Ayon kay Chen, noong isang taon, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Eren Hot ay umabot sa 950 milyong Dolyares at ang GDP naman ay umabot sa 800 milyong yuan RMB. Kung ihahambing sa 150 milyong yuan RMB ng taong 1994, ang bilang na ito ay lumaki ng mahigit 5 beses.

Kasunod ng mabilis na paglaki ng kabuhayan, buong liwanag na tumataas din ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Eren Hot. Lumapad ang mga kalya, tumaas ang mga gusali, sumagana ang mga paninda sa pamilihan at bumuti ang iba't ibang impraestruktura. Bilang isang matagal nang naninirahan sa Eren Hot, nasaksihan ni Yang Jinrui ang mga pagbabago ng lunsod. Nabanggit niya ang isang karanasan niya mismo bilang halimbawa,

"Mga sampung taong nagdaan, mahirap makabili ng mga gulay. Noong panahong iyon, ang mga gulay sa pamilihan ng Eren Hot ay pawang inihahatid mula sa labas at ubod ng mahal. Ngunit nitong ilang taong nakalipas, nagmura ang halaga ng gulay at sumagana rin sa ibang uri ng pagkain. Anuman ang gusto mong kanin, mabibili mo at kahit na ang mga pagkain galing sa timog na gaya ng isda, hipon, alimango at iba pa ay mabibili mong lahat sa pamilihan."

Positibo ang mga eksperto sa plano at target ng pamahalaang lokal ng Eren Hot sa pagpapaunlad ng lunsod at mayroon ding ilang nagharap ng sariling palagay at mungkahi hinggil dito. Pagkatapos ng kanyang paglalakbay-suri sa Eren Hot, ipinalalagay ni Wang Chaoping, eksperto ng isang pambansang tanggapan sa pag-aaral sa mga patakaran ng Tsina, na sa unang dako ng panahon ng reporma at pagbubukas sa labas ng bansa, maaaring pasulungin ng lunsod ang paglaki ng kabuhayan sa pamamagitan ng kalakalang panghanggahan sa pormang di-pampamahalaan, ngunit sa kasalukuyan, lalong lalo na, pagkaraan ng paglahok ng Tsina sa WTO, ang ganitong uri ng kalakalan ay hindi makakatugon sa pangangailangan. Sinabi niya,

"Sa susunod na yugto, habang pinasisigla ang mga pagpapalitang di-pampamahalaan, dapat magsikap din ang pamahalaang lokal para mapataas ang kalakalang di-pampamahalaan sa antas ng kalakalang pandaigdig at ito ay lubos na makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng Eren Hot."

Tulad ng sinabi ng eksperto, napagtanto ng mga decision-maker ng Eren Hot ang kalagayang ito. Sa kasalukuyan, pagkatapos ng pag-aaral sa mga bentahe ng lunsod sa kalakalang panghanggahan, sinimulang isaayos at pabutihin ng pamahalaang lokal ang estruktura ng mga panindang iniluluwas at inaangkat. Ipinahayag ng pamahalaan na patuloy na gagalugarin nila ang bentahe ng Eren Hot bilang isang bukas na lunsod sa purok-hanggahan para makapagbigay ito ng walang humpay na elemento sa pag-unlad ng lunsod.