• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-19 21:08:15    
Pinagmumulan ng facial make-up ng Peking Opera

CRI
Noong mga 1000 hanggang 600 taon sa Song at Yuan Dynasties ay merong mga facial make-up na. nakikita ang mga simpleng disenyo ng pinintahang mukha sa mga larawang nakapinta sa pader o murals ng mga libingan noong panahong iyon. Sa Ming Dynasty mga 600-300 taon na ang nakararaan, napaunlad ang mga kasanayan sa pagpipinta at paghahanda ng mga pintura, bagay na nagresulta sa isang buong set ng mga makukulay na disenyo sa mukha na nakikita natin ngayon sa Jingju o Peking Opera.

Hinggil sa pinagmumulan ng facial make-up, wala pang isang takdang eksplanasyong kinikilala ng lahat. At ang sumusunod ay ang iba't ibang ideya tungkol dito:

Una, pinaniniwalaang pinintahan ng mga primitibong mangangaso ang kanilang mukha upang matakot na palayo sa mga mabangis na hayop, at gayon din ang ginawa ng mga manghaharang noong unang panahon para maikubli ang kanilang identity at para ring makasindad sa mga biyaheng hinihirang nila. Kahit aling naturang praktis ay posibleng magpasibol ng mga dramatikong facial make-ups.

Ikalawa, ayon sa mga dokumentong pangkasaysayan, isang mahusay na mandirigma si Prinsipe Lanling ng Northern Qi Dynasty mga 1500 taon na ang nakararaan, ngunit napakaguwapo niya. Ito daw ang naging dahilan kung bakit hindi siya makakatakot sa kanyang kaaway. Dahil dito, iginawa siya ng isang mascara at sinimulang isuot ito sa mga labanan. Sa gayon, naging mas mahirap talunin si Lanling at lagi siyang nanalo sa mga labanan. Kinatha ng mga tagasunod niya ang isang awit para purihin ang kayang tagumpay. Nadebelop ang awit na ito sa isang masked dance na naglalarawan ng mahigpit na pagsalakay ni Lanling sa pormasyon ng mga kaaway. Samakatwid, ang mascara ay naging mga disenyong ipininta sa mukha ng mga tauhan sa entablado.

Ikatlo, ipinalalagay na ginamit ang mga facial make-ups sa mga tradisyonal na opera sa dahilang madalas ihandog sa open-air stage ang ganitong opera at karaniwang napakarami at napakaingay ng mga manonood. Kaya, kailangang magsuot ang mga tauhan ng makukulay na facial patterns sa mukha upang maipaunawang mabuti sa mga manonood ang nangyayari sa entablado.