• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-22 16:57:03    
Mayo ika-14 hanggang ika-20

CRI
Ipinahayag noong Miyerkules sa Beijing ni tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, na umaasa siyang tatalima ang mga overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas sa mga batas sa lokalidad, aktibong lalahok sa konstruksyon ng lokal na kabuhayan at lipunan at makikipamuhayan nang mapangkaibigan sa mga mamamayang Pilipino para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong ng pagkakaibigang Sino-Pilipino. Winika ito ni Jia sa kanyang pakikipagtagpo sa dumadalaw na delegasyon ng Philippine China Federation. Hinahangaan din niya ang ambag ng mga overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas at pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino.

       

Idinaos noong Miyerkules sa Beijing ang pulong ng mga di-pampmahalaang organisasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN na magkasamang itinaguyod ng Chinese's People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at China-ASEAN Association. Sa seremonya ng pagbubukas, magkahiwalay na bumigkas ng talumpati hinggil sa pagpapasulong sa estratehikong partnership ng dalawang panig sina Gu Xiulian, pangalawang tagapangulo ng pambansang kongresong bayan ng Tsina at tagapangulo ng China-ASEAN Association, at Chen Haosu, puno ng CPAFFC. Ipinahayag ni Gu na lalo pang pinalakas ng naturang deklarasyon ang pagtutulungan at pagpapalitan ng mga organisasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN. Umaasa siyang maipagpapatuloy ang pulong na ito at maging tsanel ng pag-uuganyan ng iba't ibang panig.Mga 100 kinatawan na kinabibilangan ni Jess Cham, tagapangulo ng Association for Philippines-China Understanding, at iba pang opisiyal ng mga di-pampmahalaang organisasyong pangkaibigan ng mga bansang ASEAN at Tsina ang lumahok sa pulong at bumigkas ng kani-kanilang talumpati. Ang tema ng pulong na ito ay kung papaanong gaganap ng papel ang mga organong di-pampamahalalan para mapasulong estratehikong ang partnership ng Tsina at ASEAN.

Pagkaraan ng pulong, nilagdaan ng mga kalahok ang Deklarasyon ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagkakaibigan at pagtutulungang pansibilyan na ipinangakong palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan para mapalalim ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN. Ayon sa deklarasyon, ipinasiya ng mga organisasyong pansibilyan na lalo pang palakasin ang pagpapalitan at pag-uugnayan, itatag ang mekanisamo ng pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan, at palakasin ang pagtutulungan sa aspekto ng kabuhaya't kalakalan at pamumuhunan.

Idinaos noong Huwebes sa Lalawigan ng Aceh ng Indonesya ang seremonya ng paglalagay ng panulukang bato para sa friendship village ng Indonesya at Tsina. Ang friendship village na ito ay isa sa mga reconstruction project ng komunidad ng diagdig sa Aceh pagkaraang dinaluhong ito ng lindol at tsunami noong Disyembre ng 2004. Gagamitin ang mga abuloy mula sa mga mamamayang Tsino para sa konstruksyon nito.

Ipinatalastas noong Huwebes ng Pambansang Ahensiya sa Pagbabalita ng Malaysia na nagbukas na ito ng sangay sa Beijing. Ipinahayag ng puno ng naturang ahensiya na ang pagbubukas ng sangay sa Tsina ay nagpapakitang lubos na pinahahalagahan ng kanyang ahensiya ang pagkober sa mga balita sa Tsina. Binati naman ng embahador ng Tsina sa Malaysia ang pagbubukas ng naturang sangay at ipinahayag niya na ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

       

Bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership, idinaos ng Beijing Dance Academy ang isang pagtatanghal ng mga sayaw noong Lunes sa Kuala Lumpur. Sa aktibidad na ito, nakaakit sa mga manonood ng Malaysia ang mga klasikal na sayaw ng mga Dinastiya ng Han at Tang ng Tsina na nagkamit ng malaking gantimpala sa daigdig.

Ipininid noong Martes sa Manila, kabisera ng Pilipinas ang 3-araw na pulong ng mga ministro ng kabuhayan ng Asean, at buong pagkakaisang ipinahayag ng mga kalahok na kinatawan ng iba't ibang bansa na nakahanda silang aktibong pasulungin ang pagbuo ng ligang pangkabuhayan at pangkalakalan sa rehiyong ito, at magsikap para sa pagtatatag ng economic community ng Asean sa taong 2015 upang maisakatuparan ang komprehensibo at malayang galaw ng paninda, serbisyo at personel. Nagpalitan ang mga kinatawan ng iba't ibang bansang Asean ng kuru-kuro hinggil sa plano ng pagtatatag ng economic community ng Asean at tinalakay din nila ang konkretong hakbangin para sa pagpapatupad ng planong ito. Buong pagkakaisang ipinalalagay nilang dapat paagahin ang pinal na deadline para sa pagbuo ng ligang ito mula taong 2020 sa taong 2015.

Pagkaraang makaabot noong Lunes sa ituktok ng Mount Everest ang kauna-unahang Pilipino na si Leo Oracion, nakaabot din doon noong umaga ng Martes si Erwin Emata at siya ay naging ikalawang Pilipino na nakaabot sa pinakamataas na bundok na ito sa daigdig. Kapwa sina Oracion at Emata ay 32 taong gulang sa kasalukuyan at sila ay miyembro ng First Philippine Mt. Everest Expedition na binuo noong Marso ng taong 2004.