• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-22 21:55:19    
Lutong pinoy: Pansit-Kanton

CRI
Mukhang mauuwi sa cooking show ang Dear Seksiyong Filipino natin ngayong gabi. Magastos na cooking show ito. Long-distance, e.

Hindi natutuwa lang ako dahil tumanggap ng positive feedback iyong cooking show namin nitong nagdaang Biyernes. Nakausap ko sa telepeno si Lucas Baclagon ng Saudi Arsbia at sinabi niya sa akin na tuwang tuwa daw sila sa naturang programa. Bagay na bagay daw sa katulad nilang laging laman ng Kusina.

Alam niyo, sa Saudi, natatanggap ng mga Pilipino ang aming signal pero aksidental lang. Ang ibig sabihin, kung minsan meron, kung minsan wala. Gaya nitong nakaraang Biyernes, malinaw ang aming signal kaya nalubos ang pakikinig nila sa aming cooking show ni JM.

Parang nagbibirong sinabi ni Lucas na baka naman daw puwede siyang mag-contribute ng recipe sa aming palatuntunan. Bakit hindi?

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ang pagluluto ay isa sa mga hobby ni Lucas. Bago pa man siya mag-abroad, talagang nagluluto na siya at marami na siyang alam na lutong Pinoy. Maging sa Saudi, patuloy pa rin ang pag-aaral niya ng iba't ibang lutuin.

Ngayon, tingnan natin kung anu-ano ang mga sahog ng pansit-kanton...

Iyan... hindi ko na iilitin, ha? Lahat ng mga binanggit ni Lucas na rekado ay mabibili ninyo sa mga tindahan at palengke diyan sa atin.

Siguro dapat i-translate ito sa Chinese para matutuhan din ng mga kaibigan nating Chinese. Hindi bale. Next time.

Tingnan naman natin ang paraan ng pagluluto...

Sabi ni Lucas, interesado daw siya at ang mga kasama niya sa Saudi sa mga lutuing Tsino, kaya sana daw malulit pa nang maulit ang aming cooking show.

Maraming salamat Lucas at kumusta sa lahat ng ating mga kababayan diyan. Bigyang-daan naman natin ang liham na padala ni jose Escobar ng Letran College.

Sabi ng kaniyagn liham...

Dear Friends,

Ako si Jose Escobar, nag-aaral sa colegie de San Juan de letran.

Ngayong taon ko lamang nasumpungan ang inyong transmission na nahahati sa apat na bahagi: Balita, Usap-usapan sa Tsina, Kulturang Tsino at Mag-aral magsalita sa Wikang Tsino.

Noong minsan, ang narinig kong topic ni Ramon Jr. ay sigarilyo at paninigarilyo--parang something to the effect na ang tobacco o cigarette business ay isang false economy. Sa tingin ko napapanahon ang topic na ito dahil dito lamang sa school namin maraming estudyante ang naninigarilyo.

Alam ninyo, sa Filipino students, ang paninigarilyo ay hindi lamang isang bisyo kundi isa ring pangporma at pagpapa-class. Bihira kayong maka makakita ng estudyanteng naninigarilyo ng "Bataan Matamis" o "Marke Niyog" o "Hope" o "Champion". Kasi nga ang mga brand na ito ay walang "class" sa kanila. Kaya tuloy ang kanilang mga allowance ay sa sigarilyo lamang napupungta. Ang negative effect na ito ay sa budget pa lamang; hindi pa kasama rito ang sa kanilang health at ang sa envirenment.

Ako nga pala ay first year sa law college. Nakalimang taon naako sa pre-law kaya mga 4 na taon pa ang bubunuin ko.

Meron din kayong broadcast sa English kasabay ng inyong eight o'clock Filipino Service transmission pero mas enjoy pa ako sa inyong service.

Gusto ko sanang I-suggest inyong Matang Banyaga, mga Pilipino naman ang hingan ninyo ng impressions, at gusto sana naming makarinig ng Chinese pops.

Wow, medyo nauubusan na ako ng kuwento.

Till next time.

Jose Escobar
Law College
Colegie de San Juan de Letran
Manila, Phils

Thank you so much Jose. Tatanggap ka ng t-shirt na may double happiness dahil ang sulat me ay napiling esepesyal na liham. Maraming salamat uli at sana hindi ka magswa ng pakikinig sa aming mga programa at ng pagsulat sa amin.