Dear Filipino Service,
Kumusta sa inyong lahat na mga bes pren ko at sa bes pren kong si Ramon Jr.. Sana malakas ang inyong pangangatawan at tinig sa himpapawid.
Ang pinakahuling recipe na natanggap ko sa inyo ay ang Dragon Well Shrimp Meat. Alam niyo ang Cooking Show ninyo ay gustuang gusto kong pakinggan, Talagang hilig ko ang pagluluto.
Sabihin niyo naman kay Ramon Jr. na maglagay siya ng programang balitang artista. Natitiyak kong marami ang magiging interesado na mahilig sa mga balita tungkol sa mga Chinese movie stars.
Ang mga nababalitaan naming dito na mga Chinese Movie stars ay iyong mga taga-Hong Kong. Kaya gusto kong makarinig ng tungkol sa mga mainlanders.
Alam niyo, nitong nakaraang linggo lang, nayaya ako ng kaibigan ko na kumain sa isang restawran na ang specialty ay Chinese food. Ang isa sa mga nagustuhan ko sa kainain naming ay ang Fresh Lotus Seed in White-Gourd Cup. Sabi sa amin ng manager, ang iba raw sa mga ingredients nito ay imported from Mainland China. Siguro iyon ang dahilan kung bakit may kamahalan ang lutong ito.
Gusto kong ipaalam sa inyo na isa ako sa mga nagdadasal para sa success ng 2008 Olympics. Alam ko na may kakayahan ang China para maging host ng palarong ito.
Sana sumulat ulo kayo sa akin.
Love, Lenie O. de Ocampo Sta. Ana, Manila Phils
|