Noong ika-24 ng Setyembre, tumawag sa akin iyong dating pangulo ng CRI FILIPINO LISTENERS CLUB, si Let Let Alunan. Itong si Let Let ay naninirahan na ngayon sa Germany kasama ng kaniyang asawang Aleman. German ang nakaisang-dibdib niya. Mahaba ang pag-uusap naming ni Let Let at marami kaming napagkuwentuhan pero ang ibabahagi ko lang sa inyo ay iyong tungkol sa karanasan niya rito sa Tsina.
Pumanta si Let Let sa Tsina sa pagtataguyod ng China Radio International. Sabi niya inilibot siya ng radio sa iba't ibang lugar sa Beijing at sa ilang lugar sa labas ng Beijing kabilang na ang Xi'an. Tinanong ko siya kung alin sa mga lugar na nabisita niya ang maituturing na espesyal para sa kaniya. Ang sagot niya:
Walang kagatul-gatol na sinabi niya na matagal na niyang alam na ang Tsina ay magiging bansang may malakas na kabuhayan pagdating ng araw. Mahusay aniya ang patakbo ng pamahalaang Tsino at ang mga mamamayan naman ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan. Kitang-kita aniya ang mabilis na pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga Chinese dahil sa tumpak na palakad ng pamahalaan.
At iyan ang long-distance voice ni Let Let Aluman mula sa Pilipinas.
At dumako na tayo sa ating Beet Letter of the Month. Ang piling-liham para sa buwan ng Setyembre ay padala ni Jorge Aragon ng San Andres, Manila. Sabi ng kaniyang liham...
Dear Filipino Service,
How are you doing?
Come October 1st you will be celebrating your national day. I am sending you my warmest greetings on this occasion. Maganda naman ang dalubong ng inyong araw na pambansa.
Gusto ko ring i-express ang admiration ko sa inyo sa pagdadala ninyo ng inyong programs these days. I notice na you are getting more and more professional. Actually, I go more for you day-to-day life highlights, kasi they are less boring. Except in some special circum-stance, hindi ako gaanong nakikinig sa inyong highlights hinggil sa Mongolia vodka, nightlife ng mga Chinese at mooncake comeday.
Alam niyo, if you ask me, hindi ako palo sa pagpe-pressure ng ibang bansa para i-revalue ng China ang yuan. Looks like parang sobra na itong pakikialam sa affairs ng ibang bansa. Ang China lang ang nakakaalam kung dapt i-revalue ang yuan o hindi.
Kumbinsido ako na ang China ay nananatili sa tamang direksyon nitong nagdaang dekada, kaya dumaranas ito ng malaking pag-unlad at pagbabago.
I am following very closely ang inyong Alam Ba Ninyo dahil kadalasan tinatalakay ninyo rito ang hinggil sa mga magandang lugar sa Tsina kaya nalalaman naming kung anu-anong lugar sa Tsina ang dapat naming makita sakali mang maisipan naming maglakbay sa inyong bansa. The sama thing goes with Ang Tsina Sa Matang Banyaga and Dear Seksiyong Filipino.
Kumusta kay Ramon Jr., ang bes pren naming lahat.
Thank you so much.
Jorge Aragon
Nakar, San Andres
Manila
Maraming-maraming salamat sa iyo Jorge. Ang liham mo ang napiling best letter for the month of September kaya tatanggap ka ng multi-media speaker buhat sa tagapagtaguyod ng programang ito. Thank you and congratulations once again. Nais ko ring ipaalala sa inyong lahat na patuloy pa rin ang ating guessing game kaya puwede pa kayong magpadala ng sagot.
|