• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-29 12:48:27    
Xiamen at mga simbolo nito

CRI

Sa ating paglalakbay sa Xiamen, tatanawin natin ang mga lugar sa Gulangyu Island na dinarayo ng mga turisata. Ang mga kilalang lugar na ito ay kinabibilangan ng Sunshine Rock, Shuzhuang Garden, Full Moon Garden at Xiamen Municipal Museum.

Ang Sunshine Rock ang siyang pinakamataas na lugar sa Gulangyu. Kapag tumayo ka sa ituktok nito, matatanaw mo ang kabuuan ng Gulangyu.

Sa paanan naman ng Sunshine Rock matatgpuan ang Shuzhuang Garden. Buong ingat na dinisenyo ito nang alinsunod sa katangian ng lugar na ito. Sa Full Moon Garden naman ay may isang malaking estatwa ni Zheng Chengong. Siya ang pambansang bayani noong panahon ng Qing Dynasty at siyang bumawi ng Taiwan mula sa kamay ng dayuhan. Ang estatwa ay yari sa 635 granite block at ito ay siya ngayong simbolo ng Xiamen.

Ang Xiamen Museum ay matatgpuan sa Bagua Building. Eight Digarams ang ibig sabihin ng Bagua. Ang mahigit isang daaang exhibit dito ay nagpapakita ng nakalipas at kasalukuyan ng Xiamen.

Ang iba pang magagandang pasyalan sa Xiamen ay ang kilalang Jimei School Village, ang Haicang Bridge at ang Fantian Temple.