• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-29 14:59:19    
Mayo ika-21 hanggang ika-27

CRI

Isang lindol na may lakas na 5.9 sa richter scale ang yumanig noong Sabado sa Yogyakarta, isang lunsod ng lalawigang Central Java ng Indonesya. Ayon sa pinakahuling estadistika, ikinamatay na ang lindol na ito ng mahigit 5100 tao at ikinasugat ng ilang libo. Pagkaraan ng lindol, pumunta sa nilindol na purok kahapon ng hapon si pangulong Susilo Bambang Yudhoyono para bisitahin ang mga mamamayan at isaayos ang mga relief works.

         

Nagpadala nang araw ring iyon ng mensahe ng pakikiramay kay Susilo si pangulong Hu Jintao ng Tsina, at agarang ipinasiya din ng pamahalaang Tsino na magkakaloob ng 2 miloyong dolyares na cash sa Indonesya para tulungan ang mga nilindol na purok. Bukod dito, magkakasunod na ipinahayag din ng komunidad ng daigdig na magbibigay sila ng tulong sa Indonesya.

Nagpadala noong Lunes si pangulong Tran Duc Luong ng Biyetnam ng mensahe kay pangulong Hu Jintao ng Tsina para pasalamatan ang Tsina sa maagap na pagbibigay-tulong sa mga mangingisda ng Biyetnam na binagyo ng "Chanchu". Sa kanyang mensahe, sinabi ni pangulong Tran Duc Luong na lubos na naantig ang Biyetnam ng mataos na pagkakaibigan at tulong na naibigay ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina sa mga mamamayan ng Biyetnam at ito ay nagpapakita ng mahigpit na relasyong pagbabahaginan ng hirap at ginhawa ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam.

Ipinatalastas noong isang linggo ng tagapagsalita ng embahada ng Tsina sa Pilipinas na ipinasiya ng mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas na idaos sa Manila mula ika-5 hanggang ika-6 ng susunod na buwan ng ministri ng komersyo ng Tsina at ministri ng kalakalan at industrya ng Pilipinas ang porum sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ang porum na ito ay naglalayong sariwain at lagumin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, talakayin at balakin ang pangunahin larangan, proyekto at direksyon ng kanilang intermedium-long term na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa hinaharap. Sa panahong iyon, pamumunuan ni ministro Bo Xilai ng komersyo ng Tsina ang delegasyon para lumahok sa porum na ito. Si pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang ispiker ng mababang kapulungan at kalihim ng kalakalan at industrya ng Pilipinas ang lalahok sa seremonya ng pagbubukas ng porum na ito.

Idinaos noong Martes sa Beijing ang China-ASEAN Workshop on Disaster Reduction. Ipinahayag ng mga kalahok na dalubhasa na Tsino na ibayong pang palalawakin ng Tsina ang pagkikipagkooperasyon sa ASEAN sa pagpigil at pagbabawas ng kalamidad para mapataas ang kakayahan nito sa pagpigil at pagharap sa grabeng kalamidad. Nang kapanayamin siya, sinabi ni Shi Peijun, pangalawang direktor ng lupon ng dalubhasa ng National Commission for Disaster Reduction ng Tsina na itatatag ng Tsina at ASEAN ang mekanismo ng pagtitiwalaan para bahaginan ang yaman, lalong lalo na ang impormasyon ng pagbabawas ng kalamidad.

Mula ika-29 hanggang ika-30 ng kasalukuyang buwan, idaraos sa Cambodia ang ika-12 pagsasaanggunian ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN. Dadalo sa pulong si Wu Dawei, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at ang mga Pangalawang Ministrong Panlabas ng 10 bansang ASEAN at ang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN. Ang naturang pagsasanggunian ay isang mahalagang mekanismo ng taunang pagsasanggunian ng dalawang panig na naglalayong palitan ang kanilang kuru-kuro hinggil sa kanilang relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig para mapalakas ang pagtutulungan ng magkabilang panig.

       

Ipininid noong Huwebes sa Kuala Lumpur ang 9 na araw na kauna-unahang ekspo ng ASEAN hinggil sa kultura ng tsaa. Lumahok sa ekspo ang mga negosyante ng tsaa mula sa Tsina, Malaysia, Singapore, Indonesya, Thailand at iba pa. Sa panahon ng ekspo, bukod sa mga business activities, idinaos ang mga porum hinggil sa tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng tsaa, preskon ng mga pangunahing rehiyong nagpoprodyus ng tsaa at mga iba pang aktibidad.

Binuksan noong Araw ng Linggo sa tabi ng Manila Bay ang Mall of Asia, isang malaking shopping mall. Umabot sa 19.5 hektarya ang land area ng mall at umabot sa 386 na libong metro kuwadrado ang business area. Ito ang pinakamalaking shopping mall sa Pilipinas.