Mga sangkap
350 gramo ng lomo ng baboy 50 gramo ng scallion na hiniwa-hiwa sa mga piraso 25 gramo ng luya na hiniwa-hiwa sa mga piraso 10 gramo ng asin 5 gramo ng soy sauce 15 gramo ng suka 2 gramo ng vetsin 5 gramo ng siling labuyo 2 gramo ng paminta 5 gramo ng minasang bawang 1 puti ng itlog 5 gramo ng pasta ng spicy bean 10 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig 100 gramo ng langis na panluto 5 gramo ng tuyong cornstarch
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa mga pirasong 6 na na sentimetro ang haba at 0.3 sentimetro ang kapal. Lagyan ng 1 gramo ng asin, puti ng itlog at tuyong cornstarch at haluing mabuti.
Gamitin ang nalalabing asin, soy sauce, suka, vetsin, paminta at mixture ng cornstarch at tubig para gumawa ng pasta.
Initin ang langis sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng baboy hanggang sa maluto. Alisin at patuluin. Panatilihin ang 25 gramo ng langis sa kawa at initin sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade. Ihulog ang scallions, luya, siling labuyo at minasang bawang at igisa hanggang lumutang ang bango. Buhusan ng shaoxing wine at lagyan ng pasta ng spicy bean at tapos haluin nang ilang beses. Lagyan ng mga piraso ng baboy at unang pasta. Haluing mabuti at isalin sa plato at isilbi.
Katangian: makintab na may kulay na kayumanggi.
Lasa: may kaasiman at masarap. Masustansiya pero hindi mamantika.
|