• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-01 20:18:55    
"Mothers' Water Cellar" Project, nakakapagbigay ng ginhawa sa mga babae sa dakong kanluran

CRI
Sa mga purok na pinaninirahan ng maraming tao, ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ay ang tuluy-tuloy na suplay ng malinis na tubig. Pero, sa mga purok ng tagtuyot sa dakong kanluran ng Tsina, ang grabeng kakulangan sa tubig ay nakakaapekto sa mga magsasaka sa lokalidad, partikular sa kalagayan ng pamumuhay at kalusugan ng kababaihan at kabataan. Mula noong 2000, magkasanib na itinaguyod ng All-China Women's Federation at China Women's Development Foundation ang isang proyekto ng tubig na maiinom na tinawag na "Mothers' Water Cellar" na nakakatulong ngayon sa mahigit 1.1 milyong tao sa paglutas sa kahirapan sa tubig na maiinom sa dakong kanluran. Sa kasalukuyan, mas malawakan at malaliman ang pagsasagawa ng proyektong ito.

Ang Tsina ay isang bansa na may malubhang kakulangan sa tubig, at ito'y isa sa 13 purok na pinakakulang sa magagamit na tubig bawat tao, at pinakamalubha ang kalagayang ito sa dakong hilagang kanluran. Ang nayon ng Langdonggou ng bayang Yanchi ng Rehiyong Awtonomo ng Hui ng Ningxia, ay isa sa mga purok na may pinakamalubhang kasalatan sa tubig. Mula noong 2000, apat o limang beses lamang na umulan doon. Dahil sa maraming taong tag-tuyot at kakulangan sa tubig, grabeng naaapektuhan ang mga halaman.

Sa kanyang paglalakbay-suri sa bayang ito, isang pangyayari ang nasaksihan ni Qin Guoying, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China Womens' Development Foundation. "Binisita ko ang isang tahanan at inalok sa akin ng punong-abala ang kanilang kaisa-isang inumin. Nakita ito ng kanilang anak at gusto itong inumin. Kinuha niya ito pero nabitiwan niya at nabasag ang lalagyan. Nais paluin ng nanay ang bata pero hindi ito pinansin ng bata at sinimulan niyang sipsipin ang tubig sa mesa. Pagkaraang makita ko ang pangyayaring ito, talagang nalungkot ako."

Ngunit noong 2001, tinulungan ng naturang pundasyon ang nayong ito sa pagtatayo ng 203 water cellars, sa gayo'y nalutas ang isyu ng suplay ng tubig ng ilang mamamayang lokal.

Noong 2000, magkasanib na pinagtipun-tipon ng All-China Womens' Federation at China Womens' Development Foundation ang mahigit 100 milyong Yuan, RMB para maitatag ang "Love of Mother Earth--Espesyal na Pundasyon ng Mother Water Cellar" at pinasimulan ang proyekto ng "Mothers' Water Cellar".

Sa paggawa ng "Mothers' Water Cellar", hinukay muna ang lupa at gumawa ng isang cellar na may laking 20 hanggang 30 metrong kubiko, pagkatapos sinimentuhan ang buong paligid nito para maiwasan ang pagtagas ng tubig sa lupa. Sa katotohanan, tubig-ulan ang tinitipong tubig ng "Mothers' Water Cellar". Ang pagtatayo ng rain water cellars sa mga purok na kapos sa tubig, ay isang pinakamaginhawa, pinakamura at pinakapragmatikong paraan para malutas ang problema ng kakulangan sa tubig sa pamamagitan ng yamang tubig-ulan.

Lubos na nadarama ni Mo Wenxiu, Pangalawang Tagapangulo ng All-China Womens' Federation ang kabutihing dulot ng proyekto ng "Mothers' Water Cellar" sa mga magsasaka, partikular na sa mga babaeng magsasaka. "Pagkaraang masimulan ang proyektong ito, talagang binago nito ang spiritual estate ng mga mamamayan sa mga purok kung saan isinasagawa ang proyektong ito, at binago rin nito ang kanilang kapaligiran ng pamumuhay."

Simula kasalukuyang taon, pumasok ang proyekto ng "Mothers' Water Cellar" sa yugto ng malalimang pagsasagawa na maigarantiya ang seguridad sa suplay at kaligtasan ng tubig na maiinom. Sinabi ni Tao Yong, Puno ng Sentro ng pagpapabuti sa tubig sa kanayunan ng Sentro ng Pagpigil sa Epidemiya ng Tsina na malaki ang katuturan ng isinasagawang gawaing may kinalaman sa kaligtasan ng tubig na maiinom ng naturang proyekto: "Para sa China Womens' Development Foundation, bamaga't maliit ang laang-gugulin nito sa gawaing may kinalaman sa kaligtasan at seguridad ng tubig na maiinom, malaki ang katuturan nito. Ang paglalaan ng pondo para sa pagpapabuti sa suplay ng tubig sa kanayunan, ay makakapagbigay ng napakalaking episiyensiyang pangkalusugan, pangkabuhayan at panlipunan."

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng proyekto ng "Mothers' Water Cellar" na nagbibigay ng mas maraming kabutihan sa kababaihan at kabataan sa mga tuyot na purok sa dakong kanluran ng bansa.