Sa unang dako ng taong 2006, isinapubliko ng departamento ng turismo ng Tsina ang tema ng turismo sa taong ito: bagong kanayunan, bagong paglalakbay, bagong karanasan at bagong moda. Ang paghaharap ng naturang temang pan-turismo ay may kinalaman sa bagong modang pan-turista ng mga mamamayang Tsino. Sa mga nayon, may sariwang hangin, matapat at simpleng mamamayan, makukulay na pamanang pangkultura at magandang likas na tanawin, kaya, ito ay nagsisilbing pinakaunang pagpili ng naninirahan sa mga lunsod sa kanilang paglalakbay sa loob ng bansa. Sa katunayan, hindi lamang sa mga Tsinong residente ng lunsod kaakit-akit ang paglalakbay sa kanayunan, ito ay isa magandang pagpili para sa mga manlalakbay na dayuhan.
Nang mabanggit ang prospect ng "country tour", sinabi ni Ginoong Zhao Jinlong, namamahalang tauhan ng China Comfort Travel Agency na,
"Ang nilalaman ng 'country tour' ay kinabibilangan ng kultura ng sangkatauhan, kasaysayan at magagandang tanawin. Ang mga kaugalian ng mga sinaunang nayon at kaugalian ng pambansang minorya ay nagsisibling pangunahing tema ng 'country tour' na gagalugarin ng kaniyang ahensiya sa taong ito, kaya, hindi mababago ang puwesto ng Yunnan at Guozhou bilang sentrong pan-turista; samantala, ang awtonomong rehiyon ng Uygur ng Xinjiang, Inner Monggolia at Tibet ang magiging bagong pokus na pagtutuunan ng pansin ng mga manlalakbay."
Ang "country tour" ay hindi lamang makapagbigay ng masarap na damdamin sa mga manlalakbay, kundi isa ring paraan para sa kanilang relaksasyon. Hindi na kailangang pumaroon pa sa mga kilalang lugar na pan-turista, ang pamamahinga lamang nang ilang araw sa kanayunan sa paligid ng malalaking lunsod para lumanghap ng sariwang hangin, pagkain ng ulam na niluto ng mga magsasaka, pamimitas ng mga prutas at iba pa ay sapat na. Ito ay hindi lamang pagpili ng mga taga-lunsod kung weekend sa iba't ibang purok ng Tsina, kundi maging ng mga dayuhang pirmihang nagtatrabaho sa Tsina.
Sa Tsina, may isang espesyal na pangalan para sa "weekend country tour" sa paligid ng mga lunsod na tinatawag na "kasiyang-siya sa bahay ng magsasaka". Sa Beijing, halimbawa sa panahon mula Mayo hanggang Oktubre bawat taon, maraming tao ang pumapunta kung weekend sa kanayunan sa paligid ng Beijing, lalo na sa kalapit na lalawigang Hebei. Ayon sa pagtaya, mga isang milyong Beijingers ang sumama minsan sa naturang paglalakbay sa kanayunan.
Kaugnay nito, sinabi sa mga mamamahayag ni Ginoong Cai Limin, isang opisyal ng departamento ng turismo ng lalawigang Hebei na,
"Ang 'farming tour', na may paghanga sa bulaklak sa tagsibol, pagbubukid sa tag-init at pagpitis ng bunga ng mga halaman sa taglagas, ay ang lubos na nagugustuhan ng mga manlalakbay; samantala, ang pagtira sa bahay ng magsasaka, pagkakain at pagsasaka sa bukid, ay nagiging isa pang modang panturista ngayon."
|