Pormal na isinagawa noong Martes ang international rescue team ng Tsina ang relief works sa Bantul ng Indosya na pinakamalubhang nasalanta ng lindol. Sa unang araw, nagamot nito ang mahigit 100 sugatan at itinayo rin nila ang 2 tolda para sa paggamot at isang clinic sa isang ospital lokal. Ang naturang rescue team na may dalang 5 toneladang materyal ng panaklolong medikal ay binubuo ng 43 doktor, nars, dalubhasa ng lindol at iba pa. Ayon pa sa ulat, nag-abuloy noong Lunes ang China Red Cross Society ng 50 libong dolyares sa Indonesian Red Cross Society para tulungan ang pagsasagawa ng relief works sa naturang nalindol na lugar. Ipinatalastas din noong Martes sa Beijing ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina, na dahil sa pagsasaalang-alang sa aktuwal na pangangailangan ng nilindol na purok ng Indonesya, ipinasiya ng pamahalaang Tsino na bukod sa 2 milyong dolyares na cash, magkakaloob pa sa pamahalaang Indones ng mga materiyal na panaklolo na nakakahalaga ng 10 milyong Yuan RMB.
Kinatagpo noong Martes sa Yogyakarta ni pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya ang mga kinatawan ng international rescue team ng Tsina, at pinasalamatan niya ang pamahalaang Tsino na nagbigay-tulong sa kanyang bansa. Ipinahayag pa niyang umaasang walang humpay na mapapalakas ang pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at Indonesya. Sinabi naman ni Zhao Heping, puno ng international rescue team ng Tsina na bukod sa mga doktor at nars, ang rescue team na ito ay kinabibilangan ng mga dalubhasa ng lindol, at ihaharap nila ang mungkahi para sa rekonstruksyon pagkatapos ng pagtasa sa kalagayan ng mga purok na nasalanta ng lindol.
Idinaos noong Lunes sa Siemreab ang ika-12 pagsasanggunian ng mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN. Malalim at malawak na nagpalitan ang mga kalahok na panig ng palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at ASEAN, pag-unlad ng relasyong ito sa kinabukasan at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo sa pagitan ng Tsina at ASEAN at taon ng pangkaibigang kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Itataguyod ng Tsina ang summit ng paggunita ng Tsina at ASEAN sa ika-30 ng Oktubre sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina. Ang layunin ng nasabing pagsasanggunian ay para gumawa ng paghahanda sa summit na ito. Pagkaraan ng pagsasanggunian ng Tsina at ASEAN, idaraos sa Nanning ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang ika-3 China-ASEAN Expo mula darating na ika-31 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre ng taong ito. Kasabay nito, idaraos naman sa panahong iyon ang China-ASEAN Investment Summit at mga mahalagang aktibidad ng paggunita sa ika-15 anibersaryo sa pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN. Ayon sa salaysay, aabot sa 3 libo ang bilang ng booth sa ika-3 CAEXPO , at itatakda ang mga rehiyon na may espesiyal na tema na gaya ng kalakalan ng paninda, pagtutulungan sa pamumuhunan, sulong na teknolohiya sa agrikultura, "Kaakit-akit na Lunsod" at iba pa.
Ipinatalastas noong Biyernes ni Zhai Yonggang, opisyal ng Ministri ng Komunikasyon ng Tsina, na ayon sa may kinalamang pandaigdig na regulasyon, itinigil nila ng panig Biyetnames ang magkasamang malawakang paghahanap at pagliligtas sa mga nawawalang mangingisda at bapor ng Biyetnam sa Bagyong Chanchu. Gayunpaman, aniya, magbibigay-pansin din ang panig Tsino sa mga impormasyon na may kinalaman sa naturang mga mangingisda at kung kakailanganin, ipagpapatuloy nito ang paghahanap at pagliligtas. Noong kalagitnaan ng nagdaang buwan, dahil sa Bagyong Chanchu, ilang daang mangingisda at 32 bapor na Biyetnames ang na-istranded sa South China Sea. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 300 mangingisda at 22 bapor na ang nailigtas ng panig Tsino.
Sa Baise, isang lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog Tsina, sinimulan noong Araw ng Linggo ang konstruksyon ng China-ASEAN Modern Agriculture Science Exhibition Park. Ang parkeng ito ay naglalayong papasukin, palaganapin at itanghal ang mga bagong siyensiya't teknolohiya ng mga bansang ASEAN at Tsina sa larangan ng agrikultura. Ayon sa salaysay, komprehensibong itatanghal ng parkeng ito ang bagong lahi, bagong teknolohiya, bagong pasilidad at kagamitan ng produksyon, bagong modelo ng produksyon sa agrikultura, agrikultural na kabuhayang panrehiyon, kulturang lokal at iba pa ng Tsina, ASEAN at buong daigdig para itatag ang isang palataporma ng pagtutulungan at pagpapalitan ng agrikultural na siyensiya't teknolohoya, kabuhayan at kultura. Umabot sa 30 milyong Yuan RMB ang kabuuang pamumuhunan sa nasabing parke, at may 6 na rehiyon ng pagtatanghal ito na kinabibilangan, pangunahin na, ng gulay, bulaklak, Traditional Chinese Medicine, modernong pasilidad ng agrikultura, prutas at iba pa.
|