Ang sulat na bibigyang-daan natin mamaya ay padala ni Joshua Ilagan, isang tagapakinig mula sa Maynila. Sa simula ng liham, bukod sa pagpapaabot ng Happy Independence Day greetings, nagtanong din si Joshua kung meron kaming celebration dito.
Meron naman. Formal at informal. Iyong formal celebration ay ginanap sa Hilton Hotel noong June 11 at dinaluhan ng mga diplomat, military attaches, medicamen at mga espesyal na panauhin. Iyong informal naman na tinawag na salu-salo ng mga Pilipino ay doon mismo sa embahada ginanap noong June 13. Open iyon sa lahat ng mga Pilipino at maski sa mga dayuhan.
Mukhang nadagdagan na naman ang mga tagapakinig namin, ah. Meron na naman akong bagong tagahanga, Merong tawag mula sa isang bagong tagapakinig--Si Gayla Enriquez--mula sa teritoryo ni Mang Ramon Revilla at pareng Bong. Alam niyo na kung saan ito.
Sabi ni Gayla ilang buwan pa lang daw siyang nakikinig sa Serbisyo Filipino at itong tawag niyang ito ay ang una niyang pakikipag-ugnayan sa amin.
Ayon sa kaniya ang knowledge contest daw naming hinggil sa Sino-Filipino relations ay relevant na relevant, dahil sa buwang ito ay isinicelebrate ang Philippine Independence Day at Philippines-China Friendship Day. Parehong nakaraan na.
Binigyan ni Gayla ng malaking pagpapahalaga an gaming pagsasahimpapawid sa Filipino language. Sabi niya naipapakilala namin ang Tsina sa mga Pilipino at ang Pilipinas sa mga Tsino.
In conclusion, sinabi niya na malaki ang role ng Filipino Service sa pagpapanatili ng relasyong Sino-Filipino.
At iyan ang long-distance voice ni Gayla Enriquez, isang bagong tagapakinig mula sa Pilipinas.
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Joshua Ilagan ng Diliman, Quezon City, Philippines.
Sabi ng kaniyang liham...
Dear Filipino Section,
Una sa lahat, Happy Independence Day!
May celebration ba kayo sa China? Siguro naman kahit papaano.
Alam niyo, malapit na akong ma-high-blood. Kasi maraming filibuster dito sa mga senador at kongresista namin. Delayed na delayed na ang canvassing ng boto para sa president at vice-president. Haaay naku, inis na inis na ako sampu ng sambayanang Pilipino. An gamin talagang pulitika walang pagbabago. Paano ba naman tayong aasenso niyan? Marami nang oras ang naaaksaya sa balitaktakan.
Pinagtatawanan tuloy kami ng bong mundo. Debate dito, debate doon. Kaawa-awang Juan de la Cruz.
Kapag napapakinggan ko si Ramon Jr. na nagre-relate ng mga developments sa China, nasasabi ko sa sarili ko, " Bakit hindi matuto ang mga Pilipino sa mga Chinese?" Madaling sumulong ang kabuhayan ng China kasi ang orientation ng mga mamamayan ay sa economics, trade, education at technology. Hindi sila politically-inclined. Maganda iyon.
Narinig ko sa isang liham ng tagapakinig na nagkaroon ng karamdaman si Ramon Jr. Hindi lang binanggit kung serious o hindi. Anyway, serious o hindi, ang karamdaman ay hindi dapat balewalain. Dapat itong agapan. Get well soon, Ramon Jr. Kailangan ka naming lahat.
Congratulations sa success ng inyong Cooking Show! Maraming magagandang feedbacks, ha?
Ang mga sagot ko sa inyong guessing game at knowledge contest kasunod nito.
Sige, until next time na lang.
Joshua Ilagan Diliman, Quezon City Philippines
Maraming salamat Joshua sa iyong liham at welcome sa Filipino Section family.
Para sa karagdagang impormasyon na may kinalaman sa programang ito at sa iba pang programa ng Serbisyo Filipino, bisitahin ang aming website sa: ph.chinabroadcast.cn.
|