Dear Filipino Service,
Kumusta ang lahat ng miyembro ng inyong stuff? Kumusta si Ramon Jr.? Bakit parang nawawala siya sa limelight? Pasensiya na kayo sa pagtatanong ko medyo nami-miss lang naming dito ang boses niya at kaniyang letter-reading. Sana magkaroon ng chance na mabasa sa air ang letter na ito.
Ang huling isyu ng Beijing Review na natanggap ko sa inyo pang December 2005 issue. Kelan magri-resume ang subscription ko? Pati The Messager din. Mas matagal pa nga, eh.
Sabi ninyo tatanggap ako ng consolation prize sa pagsali ko sa inyong Guangxi Knowledge Contest pero wala pa akong natatanggap hanggang ngayon.
Me natanggap akong dalawang puting t-shirts pero hindi ko alam kung me connection ito dito. Sa guessing games hindi pa ako nanalo ni minsan pero tuwing sasali naman ako me natatanggap akong item bilang ala-ala tulad ng pamayapay, panyo, calenolar, pang-display sa salas ko inilagay para Makita ng mga bisita.
Hidi ako mahilig sa pagluluto pero pinakikinggan ko rin ang inyong Cooking Show. Talaga palang mayaman na mayaman ang Tsina sa mga lutuin. Karamihan daw sa mga lutong Pilipino ay may Chinese background. Totoo ba iyon?
Kapag sumusulat sa akin ang mga kaibigan kong DX-ERS sa Europe lagi nilang binabanggit ang boses niya at deserve daw niya ang recognition ng internatinal DX-ERS at mga DX clubs sa iba't ibang bansa. Bilang Pilipino, taas noo naman ako pag nakakarinig ako ng ganito.
Baka mahaba na ito at tamarin kayong basahin.
Sana magpatuloy ang aking subscription at magbalik ang boses ni Ramon Jr.
Take care sa inyong lahat.
Huwag kayong magkakasakit, ha?
Always, Juliet Magnaye Nueve Febrero Mandaluyong, M.M
|