Si Somba Yexei Banjor na isang bantog na iskolar ay may bukod-tanging palagay tungkol sa pag-aaral hinggil kay Haring Gesar. Sa kanyang palagay, si Gesar ay isang tunay na tao na nabuhay sa purok ng Ling sa Kham. Aniya, lupang tinubuan ni Gesar ang Lhagyixiong kung saan nagtatagpo ang tatlong ilog--angYellow River, Langcangjiang River at Jinshajiang River. Nasa dakong kaliwa ng kastilyo ng Dege--na may isang lawa na sinlinaw ng kristal. Sa lugar na tagpuan ng tatlong ilog ay mga isang kuwadrado't mabatong bundok. Sa gitna nito'y may isang damuhan kung saan nagtayo roon ng isang tolda ang mga magulang ni Gesar. Idinagdag pa ni Somba na ang lugar ay tinatawag na "Ghinyi Maguanqi".
Si Ren Naiqiang ay isang batikang Tibetologist. May angkin din siyang galing sa pag-aaral tungkol kay haring Gesar. Noong ika-17 taon ng Republika ng Tsina (1912-1949), gumawa siya ng isang pagsusuri sa purok na Kham. Batay sa pagsusuring ito'y nagkaroon siya ng konklusyon na:
"Ang kasalukuyang purok sa ilalim ni Headman Ling Cang sa Yarlung River Valley ay tinatawag na Xiongba. Si Gesar ay isinilang sa Chacha Temple. Pagkatapos ng kanyang pagsilang ay nagsimulang dumami ang mga damo't bulaklak sa buong taon. Nasa loob ng templo ang kanyang mga sandata at isang sagisag na ivory-dalawang residenteng monghe ang umuusal ng sutra roon. Ilan sa kanyang mga ari-arian ang inilipat ng isang madyikerong lama sa Xiangdana, Bayang Xiangqian sa lalawigan ng Qinghai."
Si Li Ming ay nanirahan sa purok ng Kham sa loob ng maraming taon. Noong ika-30 taon ng Republika ng Tsina, pumunta siya sa Dege para sa isang pagsusuri. Pagkatapos ay nag-aral siya ng mga doktrinang Buddhista sa Templong Zuping sa Dege. Ayon sa kanya:
"Si Gesar ay ipinanganak sa isang purok sa silangan ng Shiqu sa kanlurang pampang ng Ilog Yarlung. Tinatawag itong Xiongba at nasa ilalim pa rin ng hurisdiksyon ni Headman LingCang na nagtayo ng isang templo bilang family temple. Sinabi sa alamat na lumago ang mga damo sa purok na sinilangan ni Gesar. Isang altar ang itinayo sa kasalukuyang templo na nagtatago ng mga sandata at isang sagisag na ivory ni Gesar. Ang karamihan sa ari-arian ni Gesar ay inilipat ng isang lama, na may mahiwagang kapangyarihan, sa Xiangdana sa Xiangqian na tinatawag ding Lungqing."
|