Tuwing may makakatagpo akong dayuhan dito sa Tsina sa kauna-unahang pagkakataon, ang uanang unang itinatanong ko ay kung meron siyang karanasan dito na hindi niya makakalimutan. Kasi ako mismo ay may mga karanasan dito sa Tsina na hindi malimut-limutan-o hindi gustong limutin-at gusto kong ikumpara sa karanasan ng iba.
Dahil marami na rin akong nakausap na dayuhan, nakabuo ako ng munting koleksiyon ng hindi makakalimutang karanasan o memories in China ng mga dayuhan.
Ngayong gabi, sa ating Ang Tsina Sa Matang Banyaga, ibabahagi ko sa inyo ang tatlo sa koleksiyong ito. Ang mga karanasang ito ay pawang sa mga kababayang dayuhan sa Tsina na nakapanayam ko sa iisang okasyon.
Pero bago iyan, meron muna akong gustong pahulaan sa inyo. Gusto kong hulaan ninyo ang pangalan ng Filipino band na dinatnan ko sa isang hotel dito sa Beijing noong maanyayahan ako sa isang pagtitipon.
Para maliwanagan ninyo ang ationg "guessing game", balikan natin sadali ang naturang pagtitipon...
Magandang mdgandang gabi. Naririto ako sa Gloria Plaza Hotel at dumadalo sa eksklusibong pagtitipon ng mga kababayang Pilipino.
Bago ko kapanayamin ang ilang bisita rito, may pahuhulaan muna ako sa inyo.
Ang pangalan ng Pinoy band na naririnig ninyo ngayong tumutugtog ay Horizon. Ano ang salitang nasa blangko? Bibigyan ko kayo ng clue. Ito ay nagsisimula sa letter M. Ang unang makapagpapadala ng tamang sagot ay tatanggap ng multi-media speaker mula sa programang "Ang Tsina Sa Matang Banyaga." Hindi ako nagbibiro, ha? Hihintayin ko ang inyong sagot. Uulitinko. Ang pangalan ng banda ay Horizon. Hulaan lang ninyo ang salitang nasa blangko na nagsisimula sa letter M, Okay?
Gaya ng nasabi ko doon sa hotel, seryoso ako sa pagpapatalastas ko ng nasabing "guessing game', kaya ipadala ninyo kaagad ang inyong sagot.
Ngayon sa ating hindi makakalimutang karanasan sa Tsina.
Sabi ni Nanding, isang piyanistang kilalang kilala sa komunidad ng mga Pilipino sa Beijing, ang karanasan daw niyang hindi makakalimutan ay nang magkaigaw-ligaw sila ng mga kasama niya noong bagu-bago pa lamang sila sa Beijing. Sa halip daw na tumawid ng lansangan bago sumakay, hindi na sila tumawid at basta sumakay na lang. Sa madali't sabi, mali ang kanilang direksiyon. Kaya sa unang bus stop nagtalunan daw sila. Nagmistula daw silang promdi. Kahawig ito ng isang karanasanko...
Si Sol ay isang teaching staff ng Oxford Baby Bilingual Kindergarten School . Ang karanasa daw niya ay snowy; ibig sabihin, naganap sa panahon ng winter. Hiyang hiya daw siya noong madulas siya. Pinagtinginan daw siya ng mga tao. May ganito rin akong karanasa. Nakasakay nga lang ako sa bisikleta...
Ang kuwento ng Filipino-American na si Veronica ay medyo passive. Hindi siya tuwirang gumanap ng aktibong papel sa kuwento. Sinorpresa daw siya ng mainit na pagtanggap ng eskuwelahan na una niyang pinagturuan sa Tsina at ang isa pang kuwento ay nabisita daw niya ang lugar sa Tsina na pinaglibingan sa dating King of Sulu...
Tulad ni Sol, naranasan ko ring madulas sa snow. Nagbibisikleta naman ako noon. Iyong nakabisikleta sa unahan ko ay na-out-of-balance kasi nadulas ang bisikleta sa snow at natuluyang mahulog. Huminto ako para tulungan. Nagpasalamat naman. Pagsakay ko sa bisikleta, iyong bisikleta ko naman ang nadulas. Kaya balibag ako. Naramlumapit. Sabi lang niya, "Hindi ka kasi nag-iingat, e!" Sabay alis. Napakamot na lang ako sa ulo...
Corny ba?
|