Upang makahalina sa mas maraming manonood, lalo na sa mga turista dayuhan, magkakasunod-sunod na ipinalabas ng mga magagaling na acrobatics troupes ng Tsina ang mga malaking galas nitong mga 15 taong nakalipas, ngunit, narating ng mga eksperto sa acrobatics ang isang konsensus na hindi maaring kumatawan ang mga malalaking palabas sa kinabuksan ng sining na ito. Sa dahilang hindi naipapakita ng acrobatics ang mga sagupaang dramatiko tulad ng sa isang pelikula o ibang mga theatre arts, dapat itong mag-ugat sa komon-tao.
Sa katotohanan, napakapopular ng acrobatics sa kanayunan. Halimbawa, itinuturing ang Wuqiao Country sa Hebei Province na "Lupang tinubuan ng Acrobatics" at ang Baofeng Country sa Henan naman ay tinatawag na "Lupang Tinubuan ng Magic shows". May mahigit sa 800 magic groups sa Zhaozhuang Township ng Baofeng. Naglalakbay ang mga performers na magsasaka tuwing slack season, at kumikita sila ng mahigit sa 100 milyong Yuan (12 milyong dolyares) bawa't taon. Malaki ang pamilihan na may halos 1 bilyong magsasakang Tsino. Pero ang problema rito ay kung papaano masasakop ang isang bahagi ng potensyal na pamilihang ito. Sa isang diskusyong idinaos noong Abril, ipinalalagay ng mga eksperto sa acrobatics na ang circus ay isang magandang lugar para maitanghal ang mga palabas na akrobatiko. Ayon kay Wang Feng, pangalawang direktor ng Chinese Acrobatics Aritists Association, maaaring maging isang napakabuting paraan ang circus para mapaikli ang distansya sa pagitan ng mga performers at manonood. Makakatulong din ito sa pag-unlad ng magic, pagsasanay ng mga hayop, tight-rope walking at ng mga iba pa na dati'y nakakulong lamang sa entablado.
Sa nabanggit na Chinese Soul, halimbawa, isang beses lang nakita ng mga manonood ang isang magician na nagsilbing isang transisyon sa pagitan ng mga tagpo. Sinabi ni Wang, habang patuloy na pineperpekto ng mga malalaki at magagaling na troupe ang kanilang kasanayan at nagpapaligsahan ng mga grupong dayuhan para matamo ang lalong maraming pandaigdig na gantimpala, dapat itayo ng karamihan ng mga acrobatic troupes ng Tsina naman ang mga circus na may iba't ibang laki upang makaakit sa mga domestikong manonood. Ngunit, tinukoy din niyang wala pang isang mabuting mekanismo para maigarantiyang sapat ang kinikita ng mga propesyonal na troupes na ari ng estado para makapaglakbay sa kanayunan.
Nitong isang siglong nakalipas, ginugol ng maraming artista ang kanilang buong panahon sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan. Sa iba't ibang uri ng sining, ang acrobatics ang pinakamaraming nakuhang laurel na pandaigdig para sa Tsina. Gayunman, ang kakulangan sa inobasyon ay ikinawala ng pagkawili ng maraming Tsino sa sinaunang sining na ito.
Sa kasalukuyan, hinihiling ng pamahalaan na bumisita na bumisita ang lahat ng mga troupes sa mga rehiyong rural bawa't taon. Pero, malayo pa ito sa praktis ng market economy. Para kay Lin Jian, direktor ng Chinese Acrobatics Troupe, ang lalong grabeng problema ay ang nakakasamang kompetisyon sa di pa kompletong pamilihan. Noong 1996, sa dahilang nagpapaligsahan ang mga maliliit na troupes para sa pagbabayad ng mas malaki sa mga ahensiyang panturista, ang troupe niya ay nagkaroon lang ng iilang pagkakataon para magtanghal. Aniya, ang karamihan sa tinutubo ng mga palabas nila ay napupunta lang sa middlemen. Ito anya ay isang pangkaraniwang praktis sa acrobatics ng Tsina. Ang kinakailangan nila ngayon ay isang regulado at propesyunal na mekanismo para maihandog ang kanilang sining sa mga manonood.
|