Dear Filipino Section,
Una sa lahat, Happy Independence Day!
May celebration ba kayo sa China? Siguro naman kahit papaano.
Alam niyo, malapit na akong ma-high-blood. Kasi maraming filibuster dito sa mga senador at kongresista namin. Delayed na delayed na ang canvassing ng boto para sa president at vice-president. Haaay naku, inis na inis na ako sampu ng sambayanang Pilipino. Ang amin talagang pulitika walang pagbabago. Paano ba naman tayong aasenso niyan? Marami nang oras ang naaaksaya sa balitaktakan.
Pinagtatawanan tuloy kami ng bong mundo. Debate dito, debate doon. Kaawa-awang Juan de la Cruz.
Kapag napapakinggan ko si Ramon Jr. na nagre-relate ng mga developments sa China, nasasabi ko sa sarili ko, "Bakit hindi matuto ang mga Pilipino sa mga Chinese?" Madaling sumulong ang kabuhayan ng China kasi ang orientation ng mga mamamayan ay sa economics, trade, education at technology. Hindi sila politically-inclined. Maganda iyon.
Narinig ko sa isang liham ng tagapakinig na nagkaroon ng karamdaman si Ramon Jr.. Hindi lang binanggit kung serious o hindi. Anyway, serious o hindi, ang karamdaman ay hindi dapat balewalain. Dapat itong agapan. Get well soon, Ramon Jr. Kailangan ka naming lahat.
Congratulations sa success ng inyong Cooking Show! Maraming magagandang feedbacks, ha?
Ang mga sagot ko sa inyong guessing game at knowledge contest kasunod nito.
Sige, until next time na lang.
Joshua Ilagan Diliman, Quezon City Philippines
|