• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-16 20:18:38    
Chinese Acrobatics, isang katutubong sining may mahabang kasaysayan

CRI
Isang katutubong sining na mula pa noong nagdaang mahigit tatlong libong taon, ang Chinese Acrobatics ay naging popular kapwa sa imperial court at mga karaniwang tao, kahit na laging inilalagay ang mga artista sa isang napakababang katayuan sa lipunan. Ang karamihan sa mga makikinang na acrobatic-acts ay daang taon na ang tanda.

Noong 1950, salamat sa pagkakatatag ng Chinese Acrobatics Troupe at maraming iba pang ari-ng-estadong tropa sa buong Tsina, nakahulagpos ang mga acrobats sa nakalulungkot na pamumuhay nila at nakapagbigay ng ambag sa bagong silang na republika ng bayan bilang mga kagalang-galang na artista sa entablado.

Nitong isang dekadang nakalipas, para muling makapukaw sa nawawalang interes ng mga taong lokal at makaakit sa lalong maraming turistang dayuhan, ang lahat ng mga acrobatic troupes na Tsino ay nagsisikap na makapagtamo ng breakthrough sa mga lumang porma ng performance sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga elementong kultural sa mga palabas nila.

Sa tulong ng sayaw, musika, lightings at ibang stage arts, naipalabas ng mga acrobatic troupes na Tsino ang mga komprehensibong palabas na tulad ng "Chinese Soul", isang panibagong programang inihandog ng Chinese Acrobatics Troupes na nagdebu noong Abril, 1999. Sa palabas na "Chinese Soul", dalawampung akto ang maayos na nahahabi sa apat na tagpo na ang bawa't isa ay itinatanghal sa harap ng isang kilalang background na historikal na tulad ng the Great Wall, Tibet, isang matandang Beijing courtyard, at Forbidden City. And bawa't tagpo ay may sarili nitong background, musika, kasuotan at istorya. Ipinakikita ng lahat ng mga ito ang isang makulay na larawan ng kulturang Tsino. Pinakaimpresibo ang transisyon sa pagitan ng una at ikalawang tagpo. Habang naghihintay sa karimlan ang mga manonood sa pagtataas ng tabing, nanggagaling sa likod ang kahali-halinang tugtog ng kampana. Sa harap ng background na marangyang Himalayas at sa saliw ng magandang musikang Tibetano, ibinabalanse ng isang batang babae ang mga baso na may nagliliwanag na kandila sa loob sa kanyang ulo, paa at kamay. Habang pinanatiling tuwid ang lahat ng mga maliit na pyramids ng mga baso, nagpaiikot-ikot pa siya sa isang bilog na mesa nang nakahead-stand, nakatayo sa isang kamay, sa isang paa o nakadapa. Ayon kay Fu Qifeng, pangalawang editor-in-chief ng magasing "Acrobatics and Magic", ang idea ng pagiging bilog ay may malalimang konotasyon sa kulturang Tsino. Noon, nakapokus lamang ang mga artistang Tsino sa pagpaparami ng bilang ng mga baso o ibang mga bagay para lalong humirap ang kanilang ipinalalabas. Ang bagong dagdag na elementong kultural naman ay nagbigay na ng lalong malalimang aesthetic value sa mga pundamental na kakayahang ito.

Nitong mga 15 taong nakalipas, may mga 10 malalaking galas na ipinalabas ng mga magagaling na acrobatics na tulad ng Zhanqi o Battle Flag sa Sichuan Province at the Soldier sa Guangdong Province. Sa kasalukuyan, itinatayo ng Shenyang Acrobatics Troupe sa Liaoning Province sa hilagang silangang Tsina ang isang malaking teatro para sa kanilang gala na pinamagatang "Tianhuan" na nangangahulugan ng "Pagsilang ng Langit at Lupa". Pinaplano nilang gawing isang atraksyon ang acrobatics lalo na sa mga turistan Hapones at Timog Koreano. Pero kitang kitang hindi maitatanghal ang ganitong palabas sa iba pang lugar dahilan sa mga kinakailangang masalimuot na kagamitan.