• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-19 17:09:37    
Hunyo ika-12 hanggang ika-18

CRI

       

Inihandog noong Lunes sa Beijing ang isang vin d'honneur ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina bilang pagdiriwang sa ika-108 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas. Lumahok dito sina Embahador Sonia Cataumber Brady ng Pilipinas sa Tsina, Pangalawang Ministrong Panlabas Wu Dawei ng Tsina at gayundin ang mga embahador ng iba't ibang bansa, mga militar attache, mga negosyante, mga estudyante at iba pa. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Embahador Brady na napakahalaga ng relasyon ng Pilipinas at Tsina at sa okasyon ng pagdiriwang ng pagsasarili ng Pilipinas, nakahanda silang pangalagaan ang maunlad na pagsulong ng relasyong ito.

Ipinatalastas noong Huwebes ng ministri ng pinansya ng Tsina na ayon sa may kinalamang kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, mula unang araw ng susunod na buwan, babawasan ng Tsina ang taripa sa mahigit 2800 uri ng mga paninda mula sa Pilipinas.

Idinaos noong Martes sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng ika-3 China-Asean Expo. Nagsanggunian ang halos 60 kinatawan mula sa Tsina, 10 bansang Asean at sekretaryat ng Asean hinggil sa paghahanda para sa expo na ito. Iniharap ng mga kinatawang Tsino ang mungkahi hinggil sa kung papaanong palalakasin ang kooperasyon sa magkakasamang pagtataguyod ng expo at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Binigyan naman ng mataas na papuri ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa ang matagumpay na pagdaraos ng naunang 2 expo, at binigyan din nila ng lubos na pagpapahalaga ang planong may kinalaman sa gawain, pagsasaayos ng mga aktibidad at hakbangin para sa pagpapabuti ng ika-3 China-Asean Expo. Sa pulong na ito, isiniwalat ni Li Jinzao, pangalawang direktor ng lupong tagapag-organisa ng China-ASEAN Expo, na ang mga lider ng Tsina at sampung bansang ASEAN ay lalahok sa summit meeting bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership at bibisita rin sila sa ika-3 China-ASEAN Expo na idaraos nang sabay-sabay sa panahong iyon. Napag-alaman din mula sa naturang pulong na nitong nakalipas na 15 taong sapul nang itatag ang relasyon ng diyalogo ng Tsina at Asean, lumalaki nang halos 20% bawat taon ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at mga bansang Asean. Ayon pa rin sa estadistika, mula Enero hanggang Abril ng taong ito, umabot sa 47 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina-Asean na lumaki nang 22% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing sina ministrong panlabas Li Zhaoxing at kasangguni Tang Jiaxuan ng estado ng Tsina kay dumalaw na ministrong panlabas Hassan Wirajuda ng Indonesya. Sa pagtatagpo, sinabi ni Li na umaasa ang panig Tsino na matutupad ng Indonesya ang pangako nito sa pananangan sa patakarang isang Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon batay sa pangangalaga sa estratehikong partnership ng dalawang bansa at pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito. Sinabi naman ni Tang na umaasa ang Tsina na patuloy na mapapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan nila ng Indonesya sa iba't ibang larangan, mapapalawak ang komong interes at komong palagay at walang tigil na mapapalalim ang estratehikong partnership ng 2 bansa. Ipinahayag din ng panig Tsino ang kahandaan na patuloy na magkaloob ng tulong sa nilindol na purok ng Yogyakarta sa abot ng makakaya nito.

       

Matagumpay na natapos noong Biyernes ng pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina ang tungkulin nito sa purok na nilintol ng Indonesiya. Dumating noong ika-30 ng Mayo ang 43 taong pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina sa Bantul ng Indonesiya na nasalanta ng pinakamalubhang lindol. Sa kanilang 18 araw na pananatili sa purok na nilintol, mahigit 3000 sugatan at may-sakit ang nagamot nito. Iniharap din nila ang ulat ng pagtaya sa kalamidad sa nilindol na purok sa Yogyakarta na sinulat ng mga talubhasang Tsino. Sa ulat, nag-analisa sila sa dahilan ng lindol, at nagharap ng mungkahi hinggil sa rekonstruksyon sa nilindol na purok. Ginawaran noong Huwebes ng pamahalaang Indones ang sertipiko sa lahat ng miyembro ng pandaigdigang grupong panaklolo ng Tsina para magpahayag ng pasasalamat sa pagsisikap nila sa pagsasagawa ng mga gawaing panaklolo.