Hindi na lingid sa inyong kaalaman na sa taong 2008, idaraos sa Beijing ang ika-29 na Olimpic Games. Kaugnay nito, gumawa kami ng isang serye ng artikulong pinamagatang "Beijing, buong pananabik na naghihintay sa Olimpiyada". Sa mga artikulong ito, maraming bagay kayong malalaman tungkol sa Beijing.
May sakbat na northface bag at Nikon camera, Si Kogaito Yoshiki, na isang estudyante ng Waseda University ng Hapon, ay tinanong ng isang mamamahayag sa kaniyang tinutuluyang youth travel agency sa Beijing hinggil sa kaniyang plano para sa taong 2008. Sinabi niya na sisikapin niyang makaparito sa Beijing sa panahong iyon para manood ng Olympic games.
"Sa Beijing, gusto kong kumain ng Beijing Duck, manood ng football match at umakyat sa Great Wall."
Kung talagang makakaparito sa Beijing sa taong 2008, si Kogaito Yoshiki ay magiging isa sa 260 libong manonood ng Olimpiyada sa Beijing. Sa panahong iyon ng Olimpiyada, mga 600 libong dayuhan ang paparito sa Bejing na kinabibilangan ng mga atleta,opisyal at turista.
Masagana ang likas na yamang panturista ng Beijing. Bukod sa mga famous world heritage na gaya ng Great Wall at Imperial Palace, mayroon din itong mahigit 130 museo at 270 matulaing lugar. Sa panahon ng Olimpiyada, bumalangkas ng mga espesyal na linyang pang-Olimpiyada ang departamentong panturista ng Beijing para sa pagbisita sa mga pasilidad ng Olimpiyada at mga tradisyonal na lugar na panturista, at pagpunta sa kilalang Xiu Shui Street, second-hand market ng Panjiayuan, mga bar sa Shishahai at Sanlitun at nang sa gayon, maranasan ng bisita hindi lamang ang tinatawag na romantic charm ng "royal culture" ng Beijing noong sinaunang panahon, kundi ang halina ng kasalukuyang makabagong kultura.
Sa panahon ng Olimpiyada, gagamitin sa Beijing ang isang uri ng double-deck bus. Meroon itong maunlad na auto guiding system, at maririnig ng mga pasahero ang guiding instruction sa iba't ibang wika.
Bukod sa paglalakbay sa loob at paligid ng Beijing, makakapunta rin ang mga bisita sa iba't ibang lugar ng Tsina. Sa kasalukuyan, ang mga ahensiyang panturista ay umaktong magsa-operasyon sa aspektong ito. Inilahad ni ginoong Zhao Xin, tagapangasiwa ng Departamento ng mga produktong pang-Olimpiyada ng China International Travel Agency, pinakamalaking ahensiyang panturista ng bansa na,
"Pinasimulan namin sa taong ito ang 'bus tour', na katulad ng Greyhound ng Amerika. Makakabili kayo ng ticket sa anumang sandali o sa internet. Maraming linya ng paglalakbay ang mapapagpilian na gaya ng Beijing-Shanghai, Xi'an-Guilin-Guangzhou at iba pa, at magkakaloob kami sa mga turistang dayuhan sa bus tour ng mga serbisyo na gaya ng guiding instructions sa mga wika ng iba't ibang bansa."
|