• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-20 20:27:17    
Ang Tsina sa mata ng Pinay traveller

CRI
Ang Tsina ay isang makulay at kasiya-siyang bisitahing bansa, at ito ay matagumpay sa kabuhayan at kalakalan dahil lahat ng lakas nito ay ibinubuhos sa pagpapaunlad ng mga negosyo at walang inaaksaya ni katiting man sa panghihimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa.

Iyan ang buod ng mga sinabi sa akin ni Joy Melendez o JM, noong pagsadyain ko siya sa pinagtuturuang eskuwelahan dito sa Beijing para kapanayamin.

Si JM ay isang English teacher at ginuguol niya ang mga senestral brake sa paglalakbay sa iba't ibang lugar ng Tsina. Sabi niya, sa huling paglalakbay niya, ang mga binisita niya ay iyong mga pook na hindi gaanong dinarayo ng mga turista, tulad ng Fuding City na inintrodyus niya sa ating programa noong nakaraan.

Nagpunta si JM sa Tsina noong huling dako ng 1990's at sapul noon, naglalakbay na siya sa iba't ibang lugar ng bansa. Sabi niya, marami kang magagawa at mapupuntahan dito kaya hindi ka makakaramdam ng pagkabagot, at meron ka ritong sense of security kaya hindi ka mangangamba kung mayroon kang lugar na pupuntahan. Ito ang dahilan, sabi niya, kaya hanggang ngayon nandito pa siya.

Ano ang memorable experience mo sa China? Tanong ko sa kanya.

Ayon kay Joy, dumating siya sa Tsina noong panahong ang bisikleta ay itinuturing pang hari ng daan at kaunti pa lang ang mga nagyayaot na pribadong sasakyan; noong hindi pa nilalaparan ang mga daan; noong wala pang kalaban ang Kentucky; at noong ang Chang'an at Parkson pa lang ang madalas na puntahan ng shoppers. Ngayon, sabi niya, bumanggit ka ng modelo ng kotse at meron sila. Ang mga kalye hindi lang lumapad, nagkaroon pa ng mga fly-over at nadagdagan ang mga ring road. Lumitaw din ang Pizza Hut, Kenny Rogers, Starbucks at kung anu-ano pa. Marami na ring kalaban ang Chang'an at Parkson.

Hindi ko alam kung bakit ko naitanong sa kanya kung napupuna niya na ang mga kabataang Tsino ay nagkakahilig sa nightlife.

Sabi ni JM nabisita na raw niya ang Great Wall, Temple of Heaven, Forbidden City, Fragrant Hills at Lama Temple. Nakatungtong na siya sa paa ng higanteng Buddha sa Sichuan at nakapagpakuha ng litrato kasama ang mga terra-cotta ng Xian. Meron din siyang souvenir photo kasama ang Yi, Bai, Hani, Zhuang, Dai, Miao at Hui natinalitier sa Lalawigan ng Yunnan. Nakapanhik siya sa ituktok ng ice-capped mountain ng Yunnan sa pamamagitan ng cable car at naanyayahan ng ilang mamamayan ng Xishuangbanna, dito rin sa Yunnan, sa kanilang maali-walas na kubo at ikinamangha niya ang magagagandang variety ng kanilang mga puno ng kawayan. Nakapasok na siya sa Daguanlou Pavilion at Yuantong Temple sa Kunming na kapital ng Yunnan. Nakita niya ang ilang bahagi ng Yellow River sakay ng ferry boat at nabisita niya ang pinakamalaking lake sa Tsina--ang Qinghai Lake na mayaman sa walang kaliskis na isda na tinatawag na huang fish. Kumuntik na rin siyang malasing sa pagtikim ng Maotai na ipinagmamalaki ng Guizhou. Nakita niya nang malapitan ang Three Gorges at naranasan niya kung paanong kapusin ng hininga sa 4,000-meter-above-sea level na Tibet Plateau at nakapagpakuha rito ng larawan sa harap ng Potala Palace na simbolo ng kapital na Lhasa. Nasubok rin niyang mangabayo sa Xinjiang Uygur Autonomous Region. Maski raw mga bata rito, mahuhusay mangabayo at magaganda ang kanilang kabayo.

Tinanong ko siya kung ano sa mga nabisita niyang lugar sa Tsina ang mag-iwan sa kanya ng malalim na impresyon. Ang sagot niya:

Tinukoy ni JM na nalampasan ng Tsina ang krisis sa loob ng ilang buwang pakikipagbuno rito. Gayunman, sa kabila ng nagdaang mahabang krisis, parang hindi man lang anya natinag ang pundayon ng kabuhayan ng Tsina. Nagbalik ito kaagad sa dating bilis pagkaraan ng epidemya, at sa kasalukuyang bilis nito, walang alinlangang makakabawi ito kaagad. Sabi niya unti-unti nang nagkakatao ang mga hotel sa Beijing, partikular ang mga star-hotel. Unti-unti ring nagkakaroon ng bookings ang mga travel agency at nagbabalik na rin sa field ang mga tour guide. Siyembre, sabi niya, hindi mo mabibigla ang mga ito.

Bilang panapos, sinabi ni JM na malayo na ang narating ng Tsina at malayo pa ang mararaing kung kaunlarang pangkabuhayan din lang ang pag-uusapan. Malaki anya ang bentahe ng Tsina sa ibang bansa dahil ibinuhos nito ang kanyang lakas sa pagpapaunlad ng mga negosyo at hindi ito nag-aaksaya ng lakas sa pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa.