• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-22 15:04:24    
Tatlong daang ulila at ang kanilang ina-inahan

CRI
Sa Lunsod ng Fuyang ng Lalawigang Anhui ng Tsina, may isang grupo ng mga nilalang na naulila dahil ang kanilang mga magulang ay namatay dahil sa AIDS, at sa murang gulang pa lamang ay nakaranas na sila ng labis na buhay. Hanggang isang araw, dumating sa buhay nila ang isang tao na itinuring nilang tunay na ina at naging makulay ang kanilang buhay.

Ang pangalan ng batang babaeng umawit ay Nan Nan na 16 na taong gulang. Apat na taon na ang nakararaan, magkasunod na namatay ang mga gulang ni Nan Nan dahil sa AIDS, at sa gayo siya ay naulila. Ang kasamaang-palad pa, nahawa din si Nan Nan ng AIDS mula sa kaniyang ina.

Isang gabi ng taglagas noong 2003, para namang sinasadya ng pagkakataon na nakasalubong si Nan Nan sa kauna-unahang pagkakataon, ni Zhang Ying. Si Zhang Ying ay 37 taong gulang. Mahigit 10 tao na ang nakararaan, sinimulan niyang magpatakbo ng negosyo ng damit at pagkain at inumin. Bunga ng kaniyang pagsisikap, maganda ang naging takbo ng kaniyang negosyo. Ang kalagayan ni Nan Nan ay lubos na nagkatimo kay Zhang Ying.

"Ipinalalagay kong napakabata pa ng batang ito para mawalan ng mga magulang, at hindi siya makapagpatuloy ng pag-aaral dahil siya ay may AIDS. Sa palagay ko, nangangailangan siya ng tulong ng mga tao."

Pagkaraang makauwi, nakadarama pa rin si Zhang ng labis na pagkabalisa. Ipinasiya niyang isama si Nan Nan sa Beijing para magpagamot. Kasunod ng pagbuti ng kalagayan ni Nan Nan, nabuhayan uli siya ng loob. Labis ang kasiyahan ni Zhang Ying dahil sa pagbabago ni Nan Nan.

Sa lunsod ng Fuyang na kung saan tigang ang lupa at mahirap ang pamumuhay, walang ibang pagpili ang ilang magsasaka kundi mabenta ng kanilang dugo. Dahil sa kagustuhang kumita, ang ilang ilegal na blood-taking centers ay gumagamit ng di-nababagay na gamit sa pagkuha ng dugo, bunga nito, ilang magsasaka ang nahawahan ng sakit na AIDS. Nitong ilang taong nakalipas, bagama't mahigpit na binibigyang-dagok ng Pamahalaan ang ganitong aksiyon at pinagkakalooban ng maraming tulong ang mga pasyenteng may AIDS. Marami pa ring nauulila dahil sa AIDS tulad ni Nan Nan.

Noong katapusan ng 2003, sa kabila ng di-pagkaunawa ng mga tao, tinalikuran ni Zhang Ying ang kaniyang negosyong nagkakahalaga ng ilang milyong Yuan, at itinatag niya ang isang samahan para sa pagliligtas sa mga mahirap na kabataang may AIDS at buong sikap na tumulong siya sa mga ulila.

Sina Huang Jinhong at Huang Jinlei, ay mga ulila na nasa pagtangkilik ng naturang samahan sa inisyal na panahon nito. Noong panahong iyon, labis-labis ang kalungkutan at kahirapan ng dalawa dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Pagkaraang malaman ang kalagayan ng naturang dalawang ulila, limang beses na binisita sila ni Zhang Ying at binigyan sila ng maraming bagay. Samantala, patuloy din si Zhang sa pagtulong sa mga iba pang ulila.

Hanggang sa kasalukuyan, mahigit tatlong daang ulila na ang magkakasunod na tinulungan ni Zhang Ying. Sa kurso ng pagtanggap ng tulong, nagkaroon ng malalim na damdamin sa kaniya ang mga bata, at tinatawag nila siyang "ina".

Noong Oktubre ng nagdaang taon, bilang tanging kinatawan ng Lalawigang AnHui, napili si Zhang Ying sa mga nominee ng "top 10 commonwealth star ng Tsina". Parami nang parami ang nakakakilala sa naturang "ina" na may mahigit tatlong daang bata, at ikinalugod nila ang mga aksiyon ni Zhang Ying. Sinabi ni Li Qian, isang residente ng Beijing na:

"Hinahangaan ko ang tapang at willpower ni Zhang Ying, at siya ay nagsisilbing isang modelo sa aming lipunan sa pamamagitan ng kaniyang aktuwal na aksiyon. Alam namin na bukod sa pagsisikap natin para sa ating mga sarili, dapat din nating isabalikat hangga't magagawa natin ang mga responsibilidad at obligasyon natin sa lipunan."