Nakipagtagpo noong Martes sa Maynila kay Lu Zhangong, dumalaw na secretary ng CPC Fujian Province Committee, si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sa pagtatagpo, sinabi ni Arroyo na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa mga larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, katiwasayan at iba pa. Umaasa rin anya siya na walang humpay na mapapalawak ang pagpapalagayang pangkaibigan ng Pilipinas at Lalawigan ng Fujian at mapapalakas ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Sinabi naman ni Lu na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, tiyak na susulong pa ang kooperasyon ng kanyang lalawigan ng Pilipinas sa iba't ibang larangan.
Nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si Jia Qinlin, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina at tagapangulo ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga mamamayang Tsino sa dumadalaw na tagapangulo ng Indonesian Democratic Party of Struggle at dating pangulo na si Megawati Sukarnoputri ng Indonesiya. Ipinahayag ng dalawang panig na nakahanda silang ibayo pang palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang partido para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa. Binigyan-diin ni Jia na ang Tsina at Indonesiya ay pinakapangunahing umuunlad na bansa sa daigdig. Magsisikap aniya ang Tsina kasama ng Indonesiya para mapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at ipagpapatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon. Sinabi ni Megawati na nakahanda ang Indonesiya na magsikap kasama ng Tsina na walang humpay para pataasin ang lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa na may mutuwal na kapakinapangan. Ibabayuhin aniya ng Indonesian Democratic Party of Struggle ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Partido Komunista ng Tsina. Inulit naman niya ang pananangan sa patakarang isang Tsina.
Sa pagpapalabas sa kalagayan ng paghihikayat sa mga mangangalakal na kalahok sa expo, ipinahayag noong isang linggo ni Wen Zhongliang, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng China-Asean Expo, CAExpo na pagkaraan ng 2 taong pagsisikap, nakaka-impluwensiya sa loob at labas ng bansa ang CAExpo, at sa taong ito,kulang kulang ang mga booth sa expo na ito. Ayon sa pagsasalaysay, hanggang noong ika-12 ng buwang ito, ang kabuuang bilang ng mga booth na inorder ay umabot sa 2778, at kulang kulang ang booth para sa mga bahay-kalakal ng Tsina.
Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Hu Qianwen, embahador ng Tsina sa Byetnam, ipinahayag noong Martes ni Pham The Duyet, tagapangulo ng Presidium of the Central Committee of Vietnam na mataas na pinahahalagahan ng Byetnam ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina at ang pag-aadhere ng pagkakaibigan nila ng Tsina ay hindi magbabago, nakahanda ang Byetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para walang tigil na mapasulong ang pag-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng 2 partido at 2 bansa. Sa kanilang pagtatagpo, inulit ni Hu na mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Biyetnam, nananalig siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng 2 panig, tiyak at walang tigil na tataas sa isang bagong lebel ang pagkakaibigan at komprehensibong kooperasyon ng 2 partido at mga mamamayan ng 2 bansa at magbibigay ng ambag sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad ng rehiyong ito at daigdig.
|