• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-29 21:18:52    
Si Xuan Ke at Sinaunang Musika ng Naxi

CRI
Nag-uulat ako ngayon sa inyo sa isang lugar na pinagdarusan ng isang espesiyal na kosiyerto. Sa tanghalan sa likod ko ay nakikita ninyo ang isang grupo ng mga matatanding musikero na may edad na mahigit sa 60 taon. Tinutugtog nila ang masarap sa taingang melodya na parang bumubulubok na batis mula sa langit na dahan-dahang dumadaloy sa tabi ninyo. Ang lahat ng mga instrumentong ginagamit nila ay pambihirang nakikita nagyon sa Tsina dahil sa paglipas ng mga araw. Ang melodyang kanilang tinutugtog ay musika ng Naxi, isang sinaunang klasikal na musika na nananatili lamang ngayon sa purok ng Ilog Lijiang sa Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina.

Nang pag-usapan ang klasikal na musika ng Naxi, hindi maligtaan nating banggitin ang isang tao na si Xuan Ke. Si Xuan Ke ay isang iskolar na natatangi sa pag-aaral sa sinaunang musika ng Lahing Naxi. Mula noong 1978, nagsimula na siya sa pagsasaayos ng mga music score, pagbuo ng banda at sa pag-aaral nito mula sa angkulo ng teorya. Ang pinakmahalaga niyang gawa ay ang pagpapalaganap ng sinaunang musikang ito ng Naxi sa pamamagitan ng mga kosiyerto. Salamat sa kanyang walang puknat na pagsisikap, ang sinaunang musikang ito ay namumuhay muli at umuunlad ngayon.

Pagkaraan ng mahigit 20 taong pag-aaral, nagkaroon na siya ng malalim na pag-unawa sa depinisyon ng "sinaunang musika ng Naxi". Ipinalalagay niyang ang musikang ito ay hindi iniuukol lamang sa Lahing Naxi, sa halip, sinabi niyang dapat itong ituring bahagi ng buong pambansang musika ng Nasyong Tsino. Sinabi niyang,

"Ang umano'y 'sinaunang musika ng Naxi' ay siyang sinaunang musika ng Nayong Tsino. Dahil, una, ang Lahing Naxi ay isa sa 56 na nasyonalidad ng Tsinal; ikalawa, ang sinaunang musika ng Naxi ay ipinasok sa purok ng Lijiang mula sa Gitnang Tsina ang musikang ito, sa halip, napreserbado nang mabuti sa purok ng timog kanluran ng bansa."

May tatlong katangian ang sinaunang musika ng Naxi: matanda ang mga instrumentong musikal, matanda ang mga musikero at matanda ang mga music store. Ang tatlong katangiang ito ay maituturing na hiyas ng sinaunang musika ng Naxi. At kasabay nito'y tatalong malaking problemang kinakaharap ng musikang ito. Ang mga matatandang instrumentong musikal at music store ay mahirap na nagpasalin-salin. At ang pinakamahirap na isyu ay 'yong mga manunugtog ng sinaunang musika ng Naxi. Matatanta na lahat ang mga musikero, mahigit sa dalawa sa kanila ang mamatay tuwing taon. Nag-aalaala ang mga tao sa ganitong kalagayan. Ano kaya ang dapat gawin para lutasin ang problemang ito, sinabi ni Xuan Ke na,

"May dalawang paraan para mapreserbado ang musikang ito. Una, inkorahehin ang mga kabataan na matuto sa mga matandang musikero. Ang isa pang paraan ay buong sikaping paunlarin ang musikang ito. Ang ibig sabihi'y habang punananatili ang tradisyon ng sinaunang musikang ito, magpasok ng ilang modernong elementong musikal para maipaglingkod ng mga sinauna at mga dayuhan ang kasalukuyan."

Nitong ilang daang taong nakalipas, ang sinaunang musika ng Lijiang ay nagging bahagi ng pamumuhay ng mga Taga-Naxi. Ang musikang ito ay popular sa hanay ng mga karaniwang mamamayan sa Lijiang. Sa kasalukuyan, may mahigit 10 banda ng sinainang musikang ito. Nang mabanggit ang pagpapalaganap ng sinaunang ginamit ng purok ng timog silangan ng bansa sa pagpapalaganap ng musikang Nanyin. Sinabi niyang,

"Ang musikang Nanyin ay popular sa timog ng Lalawigan Fujian at ang musikang Nanyin ay ipinasok na sa teksbuk ng mga mababang paaralan. Ito ay isang magandang halimbawa para sa pagpapalaganap naming ng sinaunang musika ng Lijiang at umaasa kaming mailalagay din ang sinaunang musika ng Lijiang sa teksbuk ng mga mababa at sekundaryong paaralan."

Kasabay nang tumatanggap ang purok ng Lijiang ng mas maraming turista mula sa loob at labas ng bansa, tiyak na magiging mas popular ang sinaunang musika ng Lijiang, nawa'y pumunta kayo rito sa Lijiang para mag-injoy kayong mismo sa malumanay na himig ng sinaunang musikang ito.