Alam ba ninyo ang pagkakaiba ng pagoda at dagoba? Pag-uusapan natin ang hinggil dito at pagkatapos tutunghayan natin ang tanawin sa paligid ng White Dagoba sa Beihai Park. Magkaiba ang Dagoba at pagoda sa hugis. Ang pagoda ay isang maraming palapag na tore na may hugis-pyramid, samantalang ang dagoba naman ay isang pabilog na istruktura na may isang tore sa itaas, at ang pinakadulo ng toreng ito ay ginintuan. Ang White dagoba ng Beihai Park, na 35.9 metro ang taas, ay yari sa laryo at bato na pinapuputi ng apog. Wala ito ng pasukan, pero ang makatawag-pansing posibilidad ay ang isang pulang sagisag sa katawan ng tore na isang butas na pinasakan upang makaumpleto ang tore. Pinaniniwalaang nakatago sa loob ang mga Buddhist scripture, lama robes at iba pang mga bagay na panrelihiyon.
Mula sa tore, malinaw na makikita mo ang mga kahanga-hangang tanawin. Sa Timog ay matatagpuan ang matahimik na Zhongnanhai (Central and South Seas), dalawang magkalapit na lawa na ngayo'y bahagi ng himpilan ng Komiteng Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sa silangan naman ay makikita ang dilaw na bubungan ng mga pulang gusali ng dating Imperyal Palace. Kitang kita sa hilaga ng Forbidden City na ito ang limang pavilion na nakahanay sa tagaytay ng Jingshan Hill, na nagsisilbing tabing para sa palasyo. Sa timog ng dating pook na imperyal, sa kahabaan ng iang bagong east-west boublebvard, ay may mga bloke ng mga bagong apartment, samantalang sa hilaga sa malayo ay matatagpuan ang luntiang Yanshan Mountains na bumubuo ng isang malaking tanawing jade ng kabisera.
Sa ibaba ng Dagoba ay ang pavilion of the Benevolent Voice. Nakakalat sa Jade Islet ang mga bulwagan at pavilion, porous rocks na may di-karaniwang hugis, at steles at tablets na yari sa bato. Ang lahat ng mga ito ay artistikong nakaayos. Makikita rin sa maraming bato ang mga tula at ibang hiyas ng panitikan na inukit nang alinsunod sa kahanga-hangang sulat-kamay ni Emperador Qian Long, na ang kaligrapya ay kilalang kilala sa kanilang kagandahan. Kung bababa ka sa hilagang libis ng burol na ito sa Jade Islet, makikita mo ang mga artistikong dinisenyong kuwebang bato at tinakpang lumilipad na hagdanan, hanggang sa makarating ka sa isang mahabang koridor sa kahabaan ng hilagang pampang ng Islet. Ang gilid ay may mga lattice windows. Sa gitna ng kahabaan ng mahabang koridor na ito ay makikita ang Rippling water Hall at Tranquility Study. Ang Fangshan Restaurant na kilala sa mga ulam at pastelerya nito base sa mga resipi ng mga kusinang imperyal ng Qing Dynasty, ay matatgpuan dito. Ipinaghahanda ang mga turista ng mga pambigirang pagkain na noo'y isinisilbo kay Empress Dowager Cixi.
Sa malapit din ay may isang hugis-abanikong gusaling kilala bilang Chamber of Reading the Classics. Dito, nakakatawag ng mga pansin ng mga maibigin sa kaligrapya ang isang koleksyon ng 495 stele na may inskripsyon ng mga kilalang calligrapher sapul noong ikatlong siglo.
|