• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-29 21:19:53    
Vicky Santos: ang kaniyang mapagmahal na tinig ay umaalingawngaw sa aming palengke pagdating ng alas-siyete medya ng gabi

CRI
Dear Filipino Service,

Tama ang announcer ninyong si Ramon Jr.? Palagi niyang sinasabi na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibanabalik.

Lahat ng mabuting gawi sa akin ng mga kaibigan at kakilala, ginagawa ko rin sa iba at nagdodoble ang balik. Hindi lang sa akin pati sa iba.

Pasensiya na kayo. Hindi ko na kayo nabati sa simula. Kumusta na pala kayo? Kumusta rin si Ramon, Jr.? Ang kaniyang mapagmahal na tinig ay umaalingawngaw sa aming palengke pagdating ng alas-siyete medya ng gabi. Hindi lang ako ang nakikinig ngayon sa kaniya. Pati mga iba pang kaibigan kong may puwesto sa palengke ditto sa Quiapo. Natutuhan nila ang pakikinig dahil nahawa sa akin. Sabay-sabay kaming nakikinig ngayon tuwing alas-siyente medya ng gabi. Pero ako talagang hindi umaabsent. Regular talaga.

Maganda ang pakikitungo ni Ramon Jr. sa kaniyang mga tagapakinig kaya napapamahal siya sa kanila. Parang nagiging public service na rin ang programa niya.

Minsan binasa niya ang sulat ng isang magulang na naghahanap ng anak sa Beijing. Alam ng magulang na nasa Beijing ang anak pero hindi niya alam kung saan nakatira at kung paano kokontakin sa phone. Si Ramon ang gumawa ng paraan para magkausap ang magulang at anak. Parang pelikuha ni Da King.

Noong nakaraang Abril, malinaw ang inyong signal at napakinggan kong lahat ang inyong mga programa na tulad ng Balita, Usap-usapan, Alam Ba Ninyo, Dear Seksiyong Filipino at Sa Matang Banyaga.

Salamat sa padala ninyong magazines at mga ala-ala. Para sa akin malaking bagay ang mga iyon.

Hindi ako nakakalimot tuwing alas-siyente medya ng gabi.

Gumagalang
Vicky Santos
Quinta Market
Quiapo, Manila