Kayo ay nasa Serbiyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. para sa Ang Tsina sa Matang Banyaga.
Ang dayuhan para sa episode ng ating Ang Tsina sa Matang Banyaga sa gabing ito ay si Mirasol Serrano, isang Pilipina.
Si Sol ay kasalukuyang nagtuturo sa Oxford Baby Bilingual Kindergarden School na may apat na sangay sa Beijing.
Ang mga kasama niyang dayuhan na nagtuturo dito ay buhat sa Africa, Holland at Germany, at 75% ng mga mag-aaral nila ay Chinese.
Sabi ni Sol sana raw magtagal pa siya sa sa paaralang ito dahil enjoy na enjoy siya sa piling ng kaniyang pupils.
Nagsimula siyang magturo sa Beijing noong 1999 nguni't narito na siya noon pa mang 1994. Dumating siya kasama ng kaniyang among Taiwanese-American. Ang kaniyang amo ay nasa construction business at marami itong nakuhang proyekto sa Beijing.
Dahil nga nasa negosyo ng konstruksyon ang kaniyang amo at ipinakikita nito sa kaniyang ang blueprints ng kaniyang proyekto, alam niya na darating ang panahon at mahahalinhan ang mga nakatayo noong gusali sa Beijing ng mga makabago at matayog na gusali. Isa pa aniya, hindi lang amo niya ang nasa ganitong negosyo. Marami pang iba. Kaya talagang maty construction boom...
Sabi niya ang bawat raw ay may kani-kaniyang angking kagandahan kaya hindi daw dapat ikumpara ang isang bansa sa iba. Kung paano niya aniyang ipinagmamalaki ang Boracay, Hundred Islands, Chocolate Hills at Banawe Rice Terraces ng Pilipinas, ganoon din naman ang pagmamalaki niya sa Great Wall. Forbidden City, Tian'Anmen Square, Summer Palace at Temple of Heaven ng Tsina.
Ang nag-iwan aniya sa kaniya ng malaim na impresyon ay inyong flower arrangements na nakita niya sa mga gardern nito sa Biejing at sa iba pang lugar sa Tsina...
Bilang panghuli, sinabi niya na sa tingin niya mapapanatili ng Tsina ang Mataas na growth rate nito sa kabila ng mga problemang pangkabuhayan na kinakaharap ng daigdig ngayon...
At iyan ang kabuuan ng ating Friday Special para sa gabing ito. Magpapatuloty tayo. Samantala...
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino, ikalawang bahagi ng ating Friday Special para sa gabing ito.
Ang liham na bibigayang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Marjorie Torrejos ng Cebu City, Philippines.
Sabi ng kaniyang liham...
Dear Ramon,
How is life going on? Sa tingin ko ang lahat ay ayos naman. Tungkol sa akin dito, okay lang. Bisingbusy sa trabaho at pag-aaral.
Alam mo natutuwa aki sa pag-uukol mo ng panahon sa pagsulat sa akin. Biruin mo, napakarami mong trabaho diyan sa China at alam ko na hindi lang ako ang sinusulatan mo kundi merong kung ilang libo pero sinisikap mo pa ring sumulat.
You are such a hardworking person. Alam mo lahay iyan ay may magandang kapalit. Pero magpahinga ka naman paminsan-minsan. Kung sabagay you are enjoying it, right?
Gusto kong pasalamatan ang inyong himpilan sa pagpadala sa kin ng iba't ibang magazines na tulad ng The Messenger. Kahit papaano nakakakuha ako ng information about your station and about China. Excited din akong matanggap iyong ipinangako mong magazine na may article at picture mo. Hihintayin ko ito.
Thank you nga pala for personally keeping my picture at salamat din doon sa nagsabing maganda ako. So nice to hear na maganda ako. It makes may day bright. Salamat din sa cards at calendar and for the love.
Regards sa inyong lahat!
God love you too, Marjorie
Maraming salamat sa iyo Marjorie. Alam mo, na-touch ako sa sulat mo. Napaganda. Hintayin mo inyong sagot ko dahil marami akong gustong sabihin sa iyo. Okay? Thank you once again.
|