• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-03 20:34:39    
Hunyo ika-26 hanggang Hulyo ika-2

CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Miyerkules sa Beijing kay dumalaw na ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas, ipinahayag ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Pilipinas, na pasulungin ang pagpapalalim ng estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa na konsentra sa kapayapaan at kaunlaran. Sa pagtatagp, sinabi ni Wu na ang pagpapahigpit ng pangkapitbansaang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at nakakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Anya, umaasa ang panig Tsino na patuloy na mapalalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, agrikultura, enerhiya at iba pa. Ipinahayag naman ni De Venecia na ibayo pang palalalimin ng mababang kapulungan ng Pilipinas ang pakikipagpalitan sa NPC sa iba't ibang larangan at aspekto para makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Noong Huwebes, nakipagtagpo rin kay De Venecia si Wu Guanzheng, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, CPC. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu na ang pag-asang ibayo pang mapapasulong ang relasyong Sino-Pilipino sa bagong panahon. Sinabi rin ni Wu na umaasa ang CPC na ibayo pang mapapalalim ang pakikipagpalitan sa mga pangunahing partido ng Pilipinas. Ipinahayag naman ni De Venecia na nakahanda ang LAKAS-Christian Muslim Democrats na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa CPC hinggil sa party-build-up at pangangasiwa sa bansa.

Mula noong Martes hanggang Huwebes, nakipagtagpo kay dumalaw na pangulong Choummaly Sayasone ng Laos ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina pangulong Hu Jintao, tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan at premyer Wen Jiabao.

Sa pagtatagpo nila ni pangulong Hu, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na palalimin ang kanilang kooperasyon para mapasulong sa bagong antas ang komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. Iminungkahi rin ni Hu na panatilihin ng mga lider ng dalawang bansa ang regular na pagtatagpo, pahigpitin ang kooperasyon sa mga larangan ng tanggulan, katiwasayan, pagbabawal sa droga, turismo, agrikultura, pagmimina at iba pa at palakasin ang pagsasanggunian at pagkokoordina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Sa pagtatagpo nila ni tagapangulo Wu, ipinahayag ng dalawang panig na ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan ng Tsina at Laos ay nagkakaloob ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng 2 bansa at nagbibigay rin ng mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Sa pagtatagpo naman nila ni premyer Wen, sinabi ni Wen na nakahanda ang Tsina na sanayin ang mas maraming talento para sa Laos, tulungan ang Laos sa konstruksyon ng impraestruktura sa pamamagitan ng bilateral at multilateral na tsanel at enkorahehin ang mga bahay-kalakal na palawakin ang pamumuhunan sa Laos.

Idinaos noong Miyerkules sa Singapore ang isang promotion conference para sa ika-3 China-ASEAN Expo o CAEXPO. Sa pulong na ito, isinalaysay ni Nong Rong, opisyal ng sekretaryat ng CAEXPO, ang kasalukuyang kalagayan ng paghahanda para sa ika-3 ekspong ito at wini-welcome niya ang mga kompanya at negosyanteng Singaporean na aktibong lumahok sa kasalukuyang ekspo.

Binigyan-diin noong Huwebes ni Nguyen Minh Triet, bagong pangulo ng Byetnam na umaasa ang kaniyang bansang mapapalawak at mapapalalim ang relasyon sa Tsina para mapasulong ang walang tigil na pag-unlad ng realsyon ng 2 bansa. Sa isang news briefing pagkaraan ng pagpipinid ng ika-9 na pulong ng ika-11 pambansang asembleya ng Byetnam, sinabi ni Nguyen na inaantubayanan niya ang pakikipag-usap kay pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Hanoi sa di-pormal na summit ng APEC sa Nobyembre ng taong ito. Sinabi niyang tatalakayin nila ni pangulong Hu ang hinggil sa mga mabisang hakbangin para sa ibayo pang pagpapatatag at pagpapaunlad ng bilateral ng relasyon upang maging mas matalik ang relasyon ng 2 bansa.