• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-06 14:35:03    
Fatima Roque: Happy Cooking sa inyong lahat

CRI
Dear Filipino Service,

Happy Cooking sa inyong lahat.

Kumusta si Mr. Cook? Sino pa kundi si Ramon Jr.. Tawa ako ng tawa nung binasa ko ang sulat niya. Sabi niya host daw siya ng Cooking Show pero siya daw ay lousy cook. Nagluluto lang daw siya kung talagang kailangan. Ano ba yan, host ng programa sa pagluluto tapos hindi marunong magluto?

Anyway, natutuwa ako dahil since last June ay puro bago uli ang inyong putahe. Kasi bago mag-June mga dati na, eh.

Napakagandang idea ang inyong pagluluto on the air. Nalilibang na ang mga misis na katulad ko, natututo pa ng iba't ibang luto. Siyempre ang result nito masayang mister, hindi ba?

Tiyak na pasasalamatan kayo ng mister ko dahil siya ang unang tumitikim ng mga eksperimento kong Chinese foods. Gustung-gusto niya iyong doufu na maanghang. Habang kumakain siya ng maanghang, tumatamis naman ang pagtingin niya sa akin, at habang tumatamis ang pagtingin niya sa akin lalo naman akong ginaganang magluto, at siyempre habang ginaganahan akong magluto, lalo naman akong ginaganahang makinig sa inyo.

More power sa inyong Cooking Show, kumusta kay Ramon Jr. at God Bless You all.

Fatima Roque
Calamba, Laguna
Philippines