• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-06 14:48:59    
Beijing Hutong

CRI
Isang dayuhan ang minsang tinanong ng kaibigan niyang Tsino kung paano sabihin ang hutong sa Ingles. Walang siyang mahagilap na salita sapagkat sa katotohanan, walang pagsasaling magbibigay ng tumpak na kahulugan nito. Isinasalin ng iba ang hutong bilang small alleys o maliliit na eskinita, subalit lumilikha lamang ito ng imahen ng nakalimutan na at walang buhay na espasyo sa pagitan ng nagtataasang gusali ng siyudad. Ang hutong ng Beijing ay salungat na salungat sa imaheng ito. Ang hutong ay kung saan natitipon ang lahat ng buhay sa Beijing. Dito sa hutong nakatira ang isang komunidad. Dito sa maliliit na eskinitang ito naglalaro, namamasyal, namimili, nagkukuwentuhan at nag-uugnayan ang mga pamilya.

Marahil nagtataka pa rin kayo sa kung ano nga ba talaga ang hutong. Ang Lumang Beijing ay binubuo ng pinagdugtung-dugtong na napapaderang gusali na tinatawag na "kuwadranggulo". Magkakatabi ang mga ito na nakaharap sa iisang direksyon. May itinayong magkakakurus na kalyehon para madaanan. Sa paglipas ng panahon, parami nang parami ang mga pamilyang nagsasama-sama sa mga kuwadranggulo, na nagdulot upang lumikha ng bagong daanan. Ang mga bagong daanan ay lalo nang sanga-sanga at nakalilito kaysa una. Ang dalawang uri ng pinagsamang daanan ang tinatawag na hutong. May humigit-kumulang apat na libong hutong sa Beijing at kung pagtatabi-tabihin ang mga ito, magiging higit na mahaba pa ito kaysa sa Great Wall.

Maaari kang magpakuha ng litrato sa Summer Palace, o bumisita sa Forbidden City, ngunit kung gusto mo talagang makapulot ng higit na makabuluhang kaalaman tungkol sa Tsina at sa paraan ng pamumuhay ng Tsino, mahalaga ang pumasyal sa masalimuot na daanan ng hutong ng Beijing. Ang pinakamabuting paraan para sa makita iyon ay sa pamamagitan ng pedicab tour na handog ng Beijing Hutong Tourist Agency.

Narito ang sample tour:

Sasakay ka sa pedicab at habang umaandar, mamamalas mo ang makulay na buhay doon. Ang unang lugar na pupuntahan ninyo ay ang Guanghua Temple, isang buddist temple na itinayo 700 taon na ang nakararaan. may dalawampung monghe sa templo at mga practitioner. Pagpasok na pagpasok sa bakuran ng templo, mabibighani ka kaagad sa makalumang kagandahan nito, na lalo pang napatingkad ng alingawngaw na awitan at mahinang tunog ng tambol at agong. Sa loob ng silid ay may maraming estatwa at imahen, bawat isa ay may kakaiba at natatanging kuwento at tungkulin.

Matapos libutin ang templo, muli kang sasakay sa pedicab patungo sa Drum Tower. Ang tore, na uang itinayo noong 1272, ay ginamit sa nakaraan upang maghudyat ng oras. Aakyatin mo ang 69 na baitang ng hagdan kung saan makikita mo ang kabuuan ng Lumang Lunsod. Pero, di-tulad ng hutong, napupuno ng polusyon ang mga espasyo sa pagitan ng mga modernong gusali. Sa maaliwalas na araw, mamamalas ang kagandahan ng sanga-sanga at nakalilitong hutong.

Sa loob ng tore, makikita ang pinakamalaking tambol sa buong mundo, at ang modelo ng isang tipikal na kuwadranggulo. Dito, matututunan din ang kasaysayan ng hutong ng Beijing.

Pagkatapos, maglalakad na kayo upang bisitahin ang mga nakatira sa hutong. Ang karamihan ng kuwardranggulo ay may lima hanggang walong pamilya. Subalit may ilan din namang kuwadranggulo na pag-aari ng isang pamilya lamang. Pagpasok kayo sa mga bahay dito, makikipagkuwentuhan, makikikain at mauunawaan ang kasiyahan at kahirapan ng pamumuhay sa hutong. Para sa ilang nakatira rito, ang pinakamahirap ay ang kawalan ng paliguan at palikuran sa ilang kuwadranggulo. Kinakailangang sadyain ito ng mga tao at pumila para makagamit nito. Gayunpaman, naniniwala silang ang gawaing ito ay nakatutulong upang lalong mapalapit sa isa't isa ang komunidad.

Ang Prince Gong's Mansion na itinayo noong 1777 ang pinakamalaking kuwadranggulo at pinakamahusay na naipreserbang tirahan ng prisipe sa Beijing. Matapos libutin ang hardin nito, sasali ka sa isang seremonya ng tsaa sa Hanmu Chali traditional teahouse. Gagabayan ka ng tour guide sa seremonya at ituturo ang masalimuot na kultura ng pag-inom ng tsaa sa Tsina.

Matapos ito, lalabas na kayo at sasakay muli sa pedicab patungo sa ilang maliliit na palengke upang makipag-ugnayan sa iba pang taong nasa hutong.

Ang paglalakbay sa hutong ay isang magandang karanasan at unang hakbang upang muling bumalik sa sanga-sanga at masalimuot na landas ng hutong. Handa ka na ngayong mag-isang bumalik at makiisa sa kasalimuutan ng buhay sa Beijing.