• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-06 15:12:13    
Tsina, aktibo sa pagtatayo ng gusaling matipid sa enerhiya

CRI
Upang maisakatuparan ang koordinadong pag-unlad ng building industry at kapaligiran, aktibong pinasusulong ng Pamahalaang Tsino ang green construction.

Ang green construction ay nangangahulugan ng pagtatayo ng mga gusaling matipid sa enerhiya na kung saan maaring maginhawa, ligtas at malusog na makapamuhay, makapagtrabaho at makapaglibang ang mga tao. Sa pagtatayo ng naturang mga gusali, upang makatipid sa resources sa proseso ng paghahatid ng mga building material, bantam cars at lakas-manggagawa lamang ang gagamitin. Bukod dito, gagamitin din ang pasilidad na pampaligo at tanke na matipid sa tubig at episyenteng gagamitin din ang enerhiyang-araw.

Sinabi ni Wang Guangtao, Ministro ng Konstruksyon ng Tsina, na inilakip na sa pambansang planong pangkaunlaran ang pagtatayo ng mga gusaling matipid sa enerhiya at gayundin ang pagkukumpuni sa mga lumang gusali para makatipid sa enerhiya. Sinabi pa niya na:

"Ayon sa long-and-medium term na pambansang plano ng kaunlarang pansiyensiya't panteknolohiya, mahalaga sa pagpapaunlad ng mga lunsod ang pagtatayo ng mga gusaling matipid sa enerhiya. Kasabay ng pagtatayo ng mga bagong gusaling matipid sa enerhiya, kukumpunihin din iyong mga lumang gusali para gawing matipid sa enerhiya ang mga ito. Ayon sa pagtaya, sa 2020, makatitipid ang Tsina ng 420 bilyong kilo-watt na koryente at 260 milyong toneladang karbon bawat taon at bukod dito, mababawasan ng 846 na milyong tonelada ang ibinubugang greenhouse gas."

Upang mapaunlad ang green construction, maraming pinaiiral na istandard ang Pamahalaang Tsino at nagtatayo rin ito ng mga pilot project sa 19 na lugar ng bansa. Kasabay nito, aktibo rin ang Pamahalaang Tsino sa pagkatig sa pananaliksik, pagdedebelop at pagpapalaganap ng mga may kinalamang teknolohiya. Dahil sa malaking potensiyal ng pamilihan, maraming bahay-kalakal ang naaakit na magdebelop ng mga teknolohiya at produkto. Ang Beijing Greenwall Glass Technologies Co. Ltd. ay isa sa mga ito. Isinalaysay ni Ginoong Wu Shutian, Asistenteng Pangkalahatang Tagapangasiwa ng kompanya, na episyente sa pagtitipid sa enerhiya ang kanilang heat mirror insulating glass.

"Episyente ang aming salamin sa pagpigil sa pagkawala ng enerhiya na dulot ng heat conduction at siya ring pinakakahanga-hangang katangian ng produktong ito at dahil dito, nakakatulong ito sa pagtitipid sa koryente sa pagpapatakbo ng air-con at heater. Angkop ito sa iba't ibang panahon ng daigdig. Maari itong gamitin sa pader, pinto at bintana."

Isinalaysay rin ni Wu na maaring mabawi at muling magamit ang karamihan sa mga bahagi ng produkto, bagay na nakakapangalaga sa kapaligiran. Napag-alamang mahigit 100 milyong metro kuwadrado ng naturang salamin ang ginamit sa iba't ibang gusali sa buong daigdig.

Maraming bahay-kalakal na dayuhan ang naaakit din ng pamilihang Tsino ng pagtatayo ng gusaling matipid sa enerhiya. Kaugnay nito, sinabi ni Stephan Woodnutt, Pangkalahatang Tagapangasiwa ng Delmatic, isang kilalang kompanyang transnasyonal sa lighting management, na:

"Kaakit-akit ang pamilihan ng green construction ng Tsina. Malawakang ginagamit ang aming lighting products."

Sa larangan ng green construction, aktibo rin ang Tsina sa pakikipagtulungan sa mga bansang dayuhan upang makapulot ng sulong na teknolohiya at karanasan. Halimbawa, sa Lalawigang Hebei, sinimulan nang patakbuhin ang nagkakahalaga ng 5-milyong Euro na proyekto ng pagkukumpuni sa mga lumang gusali na nasa pagtatayugod ng Pamahalaang Aleman. Lumagda rin kamakailan sa kasunduang pangkooperasyon ang Ministri ng Konstruksyon ng Tsina sa United Technologies Corporation ng Estados Unidos para magkasamang maidebelop at mapalaganap ang teknolohiya ng pagtitipid sa enerhiya.