Ang Yibin na matatagpuan sa lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina ay isang lunsod na may maraming pambihirang katangian.
Para sa mga karaniwang Tsino, ang katagang Yibin ay kumakatawan sa Wuliangye, isa sa pinakakilalang alak sa Tsina na may mahigit 600 taong kasaysayan.
Dahil sa ganitong kaugnayan, ang Yibin ang siyang pinakamalaking base ng produksyon ng alak sa Tsina at kilala sa tawag na "capital of liquor".
Ang Yibin ay siyang kauna-unahang lunsod sa upper reaches ng napakalaking Ilog Yangtze, duyan ng sibilisasyon ng Tsina. Ang pangalang ng Ilog Yangtze ay nanggaling sa isang lunsod na nasa sugpungan ng ilog Minjiang at ilog Jinsha.
Ang ilang gusali naman sa kahabaan ng Ilog Yangtze, na itinayo noong panahon ng Qing Dinastiya (1644-1911) at noong unang dako ng nakaraang siglo ay halimbawa ng sinaunang teknik ng pagtatayo ng gusali.
Matagal nang sinisikap ng mga arkeologo na malaman kung sino ang naglagay ng mga kabaong ng mga mamamayang Bo sa matatrik na dalisdis ng mga banging may taas na 26 hanggang 200 metro at kung bakit ginawa nila iyon.
Ang Yibin ay tahanan na ng mga mamamayang Bo bago pa man sumapit ang Qin Dinastiya (221-206 BC). Naniniwala ang mga arkeologo na mas marami ang nakasabit na kabaong sa Yibin kaysa sa alinmang lugar sa daigdig.
Naakit ang mga geologist sa pitong buong lote ng kahanga-hangang gubat na bato at sa mahigit 260 mahiwagang underground karst cave sa Yibin.
Ang lunsod na ito ang may pinakamalaking stone funnel sa mundo at may mahigit 50 underground karst cave, na bawat isa'y may lawak na mahigit sa 10,000 metro kuwadrado.
Para sa mga mananaliksik na interesado sa kultura at kaugalian ng mga mamamayan minorya, ang pinakamalaking komunidad ng mga mamamayang Miao ng Sichuan ay matatagpuan sa Yibin. Pinananatili ng mahigit sa 30,000 mamamayang Miao ang kanilang natatanging kaugalian at kasuotan.
Ang lunsod na ito sa gawing timog ng Sichuan ay kilalang kilala ng mga turista dahil sa 120-kilometro kuwardradong kawayanan nito, na kilalang kilala sa tawag na Bamboo Sea sa katimugang Sichuan.
Gugugol ang isang turista ng dalawa't kalahating oras upang makarating sa Yibin mula Chengdu, ang provicial capital ng Sichuan sa pamamagitan ng express train. Ang Yibin ay matatagpuan sa gawing timog ng Chengdu na 300 kilometro ang layo.
|