• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-10 13:38:16    
Hulyo ika-3 hanggang ika-9

CRI
Kinatagpo noong Martes ni Cao Gangchuan dito sa Beijing si Ng Yat Chung, dumadalaw na puno ng pangkalahatang estado mayor ng Singapore. Ipinahayag ni Cao na ikinasisiya ng Tsina ang magandang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Sinabi ni Cao na nitong mahigit 10 taong nakaraan sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, naging madalas na ang pagdadalawan ng mga lider ng 2 bansa at naging mabisa ang kanilang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan. Nananatiling mainam ang pagpapalitan at koordinasyon ng 2 bansa sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon, lalong-lalo na sa kooperasyong panrehiyon. Umaasa siyang patuloy na makapagsisikap ang 2 panig para mapasulong ang relasyon ng mga hukbo ng 2 bansa. Sinabi ni Ng Yat Chung na mataas na pinahahalagahan ng hukbo ng Singapore ang kooperasyon nila ng Chinese People's Liberation Army at nakahandang walang humpay na mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng 2 hukbo sa mas mataas na antas. Ipinahayag niyang matatag na nanawagan ang Singapore sa patakarang isang Tsina at tinututulan nito ang pagsasarili ng Taiwan.

Idinaos noong isang linggo sa Lunsod ng Guilin ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang 2006 China-Southeast Asia Agricultural Production Materials. Sa pulong, itinanghal ng mahigit 180 bahay-kalakal na Tsino ang mga produkto at teknolohiya ng produksyon ng agrikultura na gaya ng chemical fertilizer, agricultural machine at iba pa. Ipinahayag din nila ang kanilang marubdob na mithiin sa pagsasagawa ng pakikipagtulungang pangkabuhaya't pangkalakalan sa ASEAN sa larangan ng materiyal na agrikultural. Pagkaraan ng pulong, mga kintawan ng mahigit 20 bahay-kalakal ng Tsina ang naglakbay-suri pa sa Biyetnam, Thailand, Malaysia, Pilipinas. Ipinakikita rin ng mga bansang ASEAN ang kanilang malakas na interes hinggil dito.

       

Idinaos noong isang linggo sa Nanning ng rehiyong autonomong Guangxi ng Tsina ang simposyum ukol sa relasyon ng Tsina at Biyetnam, tinalakay ng mga kalahok na eksperto at iskolar hinggil sa pagdaos ng ika-10 kongreso ng Partido Komunista ng Biyetnam at relasyon ng Tsina at Biyetnam pagkatapos ng naturang kongreso. Ipinalalagay ni Dr. Gu Xiaosong, pangalawang puno ng akademiyang panlipunan ng Guangxi, na dahil sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, mas masigla ang diplomasiya ng Biyetnam, at gumaganap ito ng mas malaking papel sa buong daigdig, lalo na sa ASEAN. Sa ilalim ng mainam na kondisyon ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina at ASEAN at walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan ng dalawang bansa, ipagpapatuloy ang pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam.

   

Sa ilalim ng pagtataguyod ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo at pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, pinasimulan noong isang linggo ang isang kompetisyon para mapili ang mga babaeng resepsyonista para sa ika-3 ekspong ito. Ang kompetisyong ito ay tatagal sa ika-26 ng darating na Setyembre.

Pormal na naisaoperasyon noong Miyerkules ang isang tourist route mula Guilin ng Tsina tungong Halong Bay ng Vietnam. 760 kilometro ang kabuuang haba ng rutang ito na 580 kilometro sa loob ng Tsina at 180 naman sa loob ng Vietnam.

Bilang paggunita sa ika-21 anibersaryo ng paglagda ng Tsina at Indonesya sa MoU hinggil sa pagpapanumbalik ng direktang kalakalan, idinaos noong Miyerkules sa Jakarta ang debut ng aklat na sinulat ni Sukamdani Sahid Gitosarjono, tagapangulo ng asosyasyon ng Indonesya sa kooperasyong Sino-Indones sa kabuhayan, lipunan at kultura, na may pamagat na "bitalidad ng relasyong Sino-Indones sa panahon ng pag-ahon ng Asya". Sa aklat na ito, inilahad ni Sukamdani ang historical background ng relasyon ng Indonesya at Tsina, relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, positibong epekto na dulot ng pag-unlad ng Tsina at kahalagahan ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.