• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-10 14:24:08    
Tagapakinig: listening to Filipino Service's program is a hard habit to break

CRI
Bibigyang-daan namin ang dalawang liham at ilang SMS mula sa aming mga giliw na tagasubaybay.

Ang unang liham ay mula kay Fuffy Bartolome, sabi ng liham...

Dear Filipino Service,

Pasensiya na kayo sa sulat ko kasi hindi ako sanay sa letter-writing. Ako ay isang bagong tagapagkinig online at sa 7.180 MgHz. SW. Naging regular na ang pakikinig ko sa inyo mula noong makuha ko sa dial ang inyong istasyon at marinig ang inyong mga programa sa Filipino language. Nagustuhan ko ang inyong music program hindi lang dahil sa mga music na pinatutugtog ninyo, kundi doon din sa mga sulat at SMS na binabasa ninyo. Gusto kong makipagkaibigan sa inyong lahat lalo na sa inyong announcer na binansagang Loving DJ.

Kung minsan naba-bad trip ako kasi hindi ko napapakinggan ang inyong program dahil masama ang signal. Parang natatakpan ng ibang istasyon. Mabuti na lang meron din kayong website. Ang golden voice ng inyong Loving DJ ay parang magnet. Unti-unting nagiging habit ko na ang pakikinig sa inyo. Sa tingin ko ang pakikinig sa inyong programs ay hard habit to break.

Madalas ay tinututukan ko ang inyong letter-reading kung Biyernes. Very interesting program at iyong mellow sounds sa inyong Gabi ng Musika.

Maari bang magrequest ng litrato ni Loving DJ?

Magkaroon din sana kayo ng time na sagutin ang sulat ko at sana maging magkaibigan din tayo sa panulat.

Fuffy Bartolome
Bangkal, Makati

Narito ang mga SMS mula sa aming text-mates.

Mula sa 9174013194, Maligayang bati mula sa dakilang SMART-user!

Mula sa 9194260570, Don't forget to remember your great supporters!

Mula sa 9158075559, Gabi ng Musika, gabi ng harana!

Narito naman ang isa pang liham buhat kay Miss Olivia. Sabi ng liham...

Dear Kuya Ramon,

Last Friday narinig kong binasa mo ang brief SMS ko at noong Linggo naman iyong quotation ko. Gusto mo ba ng mga quotations na ganon? Padadalhan pa kita kasi ipinapasa rin yun sa akin ng mga text-mates kong Buddy Smart-user. Smart-user ka rin ba?

Malaki talaga ang nagagawa ng charm o charisma ng isang announcer para ma-attract ang mga listeners. Meron ka nito, I'm telling you. You are just trying to be humble. Ito ang secret ng iyong popularity among short-wave lesteners.

Napuna ko na medyo dumadalang ang pagluluto mo sa air. Bakit ba? Tulad ng nasabi ko sa isang sulat ko, paborito ko na rin ngayon ang Cooking Show. Hindi naman ako talagang good cook, just trying to be, pero enjoy ako ng pakikinig sa iyong Cooking Show.

Nagsimula na ang iyong knowledge contest na tungkol sa CRI. Kelangan pa ng isang round para ma-perfect ko ang mga sagot. Me kahirapan din manong!

Inuulit ko sa iyo, kuya, dapat laging masaya ka bago humarap sa Mike kasi alam dito kung malungkot ko sa tipo ng iyong pagsasalita.

Ok, sige, hanggang dito lang muna.

Sweet Kisses,
Olivia Del Sol