Sa kasalukuyan, ang isang bagong bumabalikwas na industriya, ang creative industry, ay nagiging tampok sa pambansang kabuhayan ng Tsina, lalong lalo na sa mga maunlad na lunsod ng bansa.
Ang creative industry ay tumutukoy doon sa mga industriya na tulad ng performing arts, pelikula at telebisyon, digital entertainment, software development at kartun. Ang pinakakatangi-tangi sa industriyang ito ang inobasyon, ibig sabihin, pag-uugnay ng sining at sulong na teknolohiya para maisakatuparan ang halagang ekonomiko nito sa pamamagtian ng pamilihan. Ang cellphone entertainment ay isa pa ring uri ng creative industry. Salamat sa iba't ibang may kinalamang value-added services, maaaring bumisita sa mga website ang mga subscriber para mabasa ang mga pinakahuling balita at mai-download ang mga laro at beep sa pamamagitan ng kanilang cellphone. Kaugnay nito, sinabi ni Hu Bin, Pangalawang Presidente ng isang kompanya na naghahatid ng naturang mga serbisyo sa mga cellphone subscriber, na:
"Malikhain ang games industry at bagong industriya rin ang mobile value-added services sa pamamagitan ng cellphone. Sa kasalukuyan, parami nang paraming kabataang Tsino ang nagtatamasa ng naturang mga serbisyo."
Sa kasalukuyan, mabilis ang pag-unlad ng creative industry sa mga maunlad na lunsod ng Tsina at kasabay nito, naitatag na rin ang mga may kinalamang base. Ang Zhongguancun Science Park na tinaguriang Silicon Valley ng Tsina ay isa sa mga base na ito. Sinabi ni Dai Wei, isang namamahalang tauhan ng Zhongguancun, na hanggang katapusan ng nagdaang taon, mahigit 200 bahay-kalakal na may kinalaman sa creative industry ang nakabase rito. Sinabi pa niya na:
"Salamat sa kahigtan nito sa larangan ng software, internet at telekomunikasyon at gayundin sa mga talento, may bentahe ang Zhongguancun sa pagpapaunlad ng creative industry. Sa hinaharap, inaasahang maitatampok nito ang digital products na tulad ng online games at mobile value-added services."
Tulad ng sa Beijing, mabilis din ang pag-unlad ng creative industry sa Shanghai. Ayon sa estadistika, ang kabuuang halaga ng creative industry ay katumbas ng 7.5% ng local GDP.
Meron ding katangian ng mataas na added value at mapangalaga sa kapaligiran ang creative industry. Sa kasalukuyan, buong sikap na pinauunlad ng mga lokalidad ng Tsina ang creative industry bilang isa sa mga hakbangin ng pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Para rito, kinukumpleto nila ang mga may kinalamang batas at regulasyon at binabalangkas din ang mga preperensyal na patakaran na may kinalaman sa pagmamay-ari ng likhang-isipi o IPR, buwis, pagpapautang at iba pa. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Jin Yuanpu, Propesor ng Renmin University of China, na di-balanse ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, kaya, ang pagpapaunlad ng creative industry ay isang magandang hakbangin para sa mga maunlad na lugar ng bansa na isaayos ang estruktura ng kabuhayan at iangat ang industriya. Sinabi rin niyang nasa unang yugto pa lamang ang pag-unlad ng creative industry ng Tsina at sa proseso ng pagpapaunlad ng industriyang ito, dapat i-promote sa buong daigdig ang mga katangi-tanging kultura ng bansa sa pamamagitan ng iba't ibang creative products. Ipinaliwanag pa niya na:
"Dapat paunlarin ng mga lokalidad ng Tsina ang sarili nitong creative industry sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng bentaheng lokal. Sa prosesong ito, dapat naming i-promote sa buong daigdig ang mga katutubong produkto. "
Sinabi pa ng propesor na Tsino na ang pagpapaunlad ng creative industry ay makakatulong sa pagbabago ng Tsina sa isang bansang nagtatampok sa karungunan at mga produkto na may mataas na added value.
|